top of page

Trigo, pahiwatig ng masagana at maginhawang buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 5, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danilo ng Pateros.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo, nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, gayundin ang mga kasamahan n’yo sa BULGAR. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nasa foreign land ako, tapos may tanim kaming wheat o trigo at ang ganda ng ani namin, inilagay namin sa bodega ‘yung iba habang ipinagbili namin ‘yung iba pa.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Danilo


Sa iyo, Danilo,


Ang wheat o trigo sa panaginip mo ay nagpapahiwatig ng kasaganaan at kaginhawahan sa buhay. Ibig sabihin, yayaman ka na at tuluyang mahahango sa kahirapan.


Samantala, ang bodega naman na pinaglagyan n’yo ng trigo ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa kasalukuyang negosyo na pinagkakaabalahan mo.


Nagpapahiwatig din ito na makakapag-asawa ka ng babae na napabibilang sa mayamang angkan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page