top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Tren binomba ng mga militante, 20 dedbol, 70 iba pa sugatan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 26
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @World News | May 26, 2026



20 dead in Pakistan Chaman Phatak station - Reuters


Patay ang hindi bababa sa 20 katao habang sugatan naman ang 70 iba pa matapos sumabog ang isang tren na sinasakyan ng mga tauhan ng militar sa Pakistan.


Nangyari ang pagsabog habang bumibiyahe ang tren sa Chaman Phatak station sa Quetta, kabisera ng rehiyon ng Balochistan, noong Linggo ng umaga.


Ayon sa mga opisyal, tatlong bagon at ang makina ng tren ang nadiskaril habang dalawa pa ang tumaob. Karamihan sa mga sakay ay mga sundalo at kanilang pamilya na pauwi sana para sa Eid holiday.


Sinabi ng pamahalaang panrehiyon na ang separatist group na Balochistan Liberation Army (BLA) ang responsable sa pag-atake at isa umano itong suicide bombing. Ayon sa mga saksi, isang sasakyang may kargang pampasabog ang bumangga sa tren dahilan ng malakas na pagsabog.


Kinumpirma ng mga opisyal na kabilang sa mga nasawi ang tatlong sundalo at posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga biktima.


Mariing kinondena ni Prime Minister Shehbaz Sharif ang insidente habang nagdeklara naman ng emergency sa mga ospital na tumatanggap sa mga sugatan.


Hindi ito ang unang pag-atake ng BLA sa mga tren sa Balochistan. Noong Marso 2025, nagbihag din ng mga pasahero ang mga militante matapos i-hijack ang isang tren patungong Peshawar.


Inaakusahan ng BLA ang pamahalaan ng Pakistan na pinakikinabangan umano ang yamang-mineral ng Balochistan nang hindi nakikinabang ang mga lokal na residente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page