Travis Scott, sinaktan ang bodyguard, arestado
ni Angela Fernando @Entertainment News | August 10, 2024

Naaresto kamakailan ang American rapper at singer-songwriter na si Travis Scott, dating kinakasama ni Kylie Jenner, habang bumibisita sa Paris para sa Olympics 2024 matapos makaalitan ang kanyang bodyguard.
"I confirm that on August 9, 2024 shortly after 5 a.m., the police were called to the Georges V hotel and arrested the nicknamed Travis Scott for violence against a security guard," saad ng tagapagsalita ng Paris Public Prosecutor's Office.
"The latter had himself intervened to separate the rapper from his bodyguard," dagdag pa nito.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang sitwasyon sa kasalukuyan.
Ayon sa impormasyong nakalap ng Entertainment Tonight, si Scott ay nakipag-away sa sariling security detail dahil sa tumitinding tensyon kaugnay ng umano'y kakulangan ng proteksyon laban sa mga paparazzi. Wala namang naiulat na sugatan at walang kasong isinampa sa pangyayari.





Comments