Trangkaso na usung-uso ‘pag papalapit na ang Pasko, malakas din makahawa, ingat!
- BULGAR

- Aug 16, 2020
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | August 16, 2020
Hindi na magkandatuto ang gobyerno.
Tinatakot kasi nila ang kanilang sarili!
◘◘◘
Panahon ng trangkaso ngayon—ulan, init at lamig.
Kahit walang COVID-19—malakas makahawa ang ordinaryong trangkaso.
May gamot naman kaya hindi dapat mag-panic!
◘◘◘
Bago mag-COVID-19, marami ang tinatamaan ng trangkaso bago mag-Pasko.
Pero, hindi nila isinasarado ang kanilang bahay, hindi nilagyan ng checkpoint ang mga kalye at lalong hindi tiniklop ang mga negosyo.
Kahit ang paring Katoliko, nagsesermon at sinisipon.
Eh, si Mike Enriquez, kahit ehem-ehem puwedeng magbalita!
◘◘◘
Iniurong na sa Oktubre 5 ang school opening.
Panibagong reklamo ng mga pasaway!
◘◘◘
Puwede nang bumili ng Chinese drug kontra sa sintomas ng trangkaso at pneumonia.
Mainam naman!
◘◘◘
Arestado ang mataas na lider ng Abu Sayyaf.
Maysakit kasi siya!
◘◘◘
Ayon sa survey, 80 porsiyento ang nagsabing mas naging grabe ang hirap ng kanilang buhay dahil sa COVID-19.
Mali ang survey, 100 percent dapat!
◘◘◘
Bangkarote ang mga malalaking negosyo.
Isipin ninyong magsarado ang oil refinery ng Shell?
Paano pa ang munting negosyo ni Manong?
◘◘◘
Sino kaya ang magbabayad ng buwis next year?
Walang pambayad ng buwis ang ordinaryong mamamayan at negosyante.
Paano na ang gobyerno?





Comments