top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

Trak nag-dive sa bangin, 6 todas, 17 grabe 

Writer: BULGAR
BULGAR
38 minutes ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 16, 2026



Anim na pasahero ang nasawi habang 17 iba pa ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang elf truck sa Sitio Jakap, Brgy. Talubin, Bontoc Mountain Province nitong Martes, September 15, 2026. (Mai Ancheta)

Photo: Anim na pasahero ang nasawi habang 17 iba pa ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang elf truck sa Sitio Jakap, Brgy. Talubin, Bontoc Mountain Province nitong Martes, September 15, 2026. (Mai Ancheta)



Malagim na kamatayan ang sinapit ng anim na pasahero, kabilang na ang limang buwang sanggol, habang 17 iba pa ang nasugatan, nang mahulog sa malalim na bangin ang kanilang sinakyang Elf truck sa Sitio Jakap, Barangay Talubin, Bontoc, Mountain Province  nitong tanghali ng Martes, September 15, 2026.


Galing ang sasakyan sa Isabela at patungo sana sa  Benguet nang mangyari ang aksidente.


Dalawa sa anim na nasawi ay kinilalang sina Theresa Walitan at ang limang buwang sanggol na lalaki na si Rex Walitan.


Ang mga sugatang biktima ay dinala sa pinakamalapit na pagamutan at nilalapatan ng lunas.


Ang bangin na binagsakan ng Elf truck ay may lalim na 50 hanggang 100 metro.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pagkahulog ng sasakyan sa malalim na  bangin.


Nakipag-ugnayan na ang mga lokal na opisyal sa Bontoc, Mountain Province, sa pamilya at kaanak ng mga biktima para i-claim ang mga nasawi at bisitahin ang mga sugatang biktima sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page