top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Trak bumaliktad, 2 todas, 14 sugatan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 14, 2026



Trak bumaliktad, 2 todas, 14 sugatan

Photo: File



Dalawa ang nasawi habang 14 ang nasugatan matapos bumaliktad ang isang Elf truck na lulan ng mga agricultural worker sa loob ng pineapple plantation sa Valencia City, Bukidnon, Miyerkules ng umaga.


Kinilala ni Corporal John Mark Balabagno, traffic investigator ng Valencia City Police Station, ang mga nasawi na sina Myrna Bacong, 44, at Ludyvina Aliday, 48. Nangyari ang insidente alas-5:30 ng madaling-araw sa isang plantation na pag-aari ng Mt. Kitanglad Agri-Development Corporation, Inc. (MKADCI) sa Purok 4, Brgy. Lurugan.


Papunta sa field site ng MKADCI ang mga manggagawa nang mawalan ng traction ang Isuzu drop-side truck habang umaakyat sa kalsada. Umatras ang trak at umano’y nawalan ng preno bago tatlong beses na gumulong, dahilan para tumilapon ang mga sakay.


Sumuko naman sa awtoridad ang 58-anyos at inihahanda na ang kaukulang kaso.

Nangako naman ang manpower agency ng mga manggagawa na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot ng mga sugatan at funeral expenses ng mga nasawi.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page