top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Top 2 sa presidential at vice presidential candidates, ang dapat magharap sa debate

BULGAR
Mar 27, 2022
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 27, 2022


USO pa rin ang motorcade at debate.

Alin ang gusto mo sa dalawa?


Mas okay ang debate, imbes na petrolyo, laway lang ang mauubos.

◘◘◘



HINDI dumalo sina ex-Sen. Bongbong Marcos at Mayor Sara sa debate na binuo ng Comelec.


Pero, bakit sila binibira?

◘◘◘


TAMA ang opinyon ng iba, imoral na upakan ang isang tao na wala naman sa harapan.

Ayon sa mga kritiko, kaya hindi dumadalo ay dahil umiiwas daw sa tanong.


Eh bakit n'yo tinatanong, paano makakasagot?

◘◘◘


DAPAT ipinapaliwanag ng moderator na ang debate ay para lamang sa mga dumalo.


Period.

◘◘◘


DAPAT linawin ng moderator na “out of order” kapag tinanong ang isang kandidato na “wala naman sa naturang lugar o venue”.


Labag 'yan sa regulasyon ng debate.

◘◘◘


IBIG sabihin, maraming dumadalo sa debate at maraming kandidato ang hindi nakakaunawa kung ano ang debate.

Ibig sabihin ng debate ay magtatanungan at magsasagutan lamang kung sino ang dumalo o sino ang “nagpalista sa debate”.

Ganu'n lang kasimple.


Kung wala sina BBM at Sara sa loob ng venue, bakit sila isinasali sa debate o bakit sila tinatanong?

◘◘◘


KAPANSIN-PANSIN na hindi nagtatanungan ang mga “mismong debatista”, pinaglelektyur lang sila.


Mali ang format.

◘◘◘


SA aktuwal, dapat suriin kung sino ang tunay na lumutang sa mga dumalo sa dalawang debate.

Una, sino ang lumutang sa mga dumalo sa Comelec-sponsored presidential debate?

Ikalawa, sino rin ang pinakamahusay sa mga dumalo sa vice presidential debate?


Walang kinalaman d'yan sina BBM at Sara.

◘◘◘


HUSGAHAN natin ngayon ang presidential debate na naging moderator si Ruth Cabal.

Sa totoo lang, nakaangat si Sen. Ping Lacson, master niya ang linya at sustansiya ng isyu na pinag-uusapan.


Sa vice presidential debate, nakalutang din si Senate President Tito Sotto na malinaw ang kanyang mga paliwanag sa mga isyu na ipinupukol ng moderator.

◘◘◘


MARAMI ang nagsasabi na ang husay sa debate at track record nina Lacson at Sotto ay dapat na mai-convert tungo sa aktuwal na boto sa Mayo 9.


Iyan naman ay isang responsibilidad ng kanilang core group o master tactician.

◘◘◘


MATAGAL na nating binabanggit na ang maniobra sa eleksyon ay hindi lang nakasalalay sa 'manok', bagkus ito ay nakasalalay din kung gaano kahusay ang “political operator”.


Nakakahinayang ang Lacson-Sotto tandem kung mauuwi lang sa “husay sa debate” imbes sa panalo sa halalan.

◘◘◘


MAY sapat pa bang panahon upang ang diskarte nina Lacson at Sotto ay maging boto?


Isang malaking paghamon 'yan sa kanilang core group.

◘◘◘


ANG ibang dumalo sa presidential at vice presidential debate ay mapapansing nagpunta hindi upang makipagdebate, bagkus ay manira lang ng kapwa kandidato.

Mali ang ganyang postura.


Labag 'yan sa regulasyon.

◘◘◘


KUNG tutuusin, dapat ay pagdebatehin ang Top 2 sa presidential at vice presidential candidates.


Kapag tumanggi, wala tayong magagawa.


Ibig sabihin, dapat magtapat sa debate nang one-on-one sina BBM at VP Leni.

Sa kabilang panig, dapat ding iayos ang debate kina Mayor Sara at Sotto.


Ganu'n lang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page