Toni Gonzaga ‘powerful celeb’ sabi ni Paul, nilangaw naman ang movie sa MMFF
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | December 28, 2022
TODO-YABANG NI PAUL SORIANO NA POWERFUL CELEBRITY SI TONI GONZAGA, SABLAY!—Noong December 6, 2022 ay ibinida ni Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano, na ang misis niyang si Toni Gonzaga ang ‘powerful celebrity’ ng bansa ngayon.
Sablay ang ibinida ni Soriano dahil nang lumahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang “My Teacher”, na pinagbibidahan ni Toni Gonzaga ay nilangaw ito sa takilya, hindi man lang pumasok sa Top 4 sa listahan ng mga pelikula na pinaka-pinanood ng madlang pipol.
◘◘◘
MGA TAGA- DA, DTI AT CUSTOMS, NA TIKLOP VS. AGRI-SMUGGLERS, DAPAT SIBAKIN—Habang papalapit ang Bagong Taon ay pumalo sa P500/kilo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa.
Sa totoo lang, kaya sobrang mahal ang sibuyas ngayon ay dahil sa kagagawan ng mga agri-smugglers na hino-hoard ito para magmahal ang presyo at kumita sila ng limpak-limpak na salapi.
Kung tiklop na ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BOC) na laban kontra agri-smugglers sa bansa, dapat pagsisibakin na sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
◘◘◘
PARA HINDI MAGING CHOOSY ANG MGA TAXI AT TNVS DRIVERS, BIGYAN NG PANSAMANTALANG PERMIT ANG MGA COLORUM—Ngayong holiday Season, problema ng mga mananakay ang pagiging choosy ng mga taxi drivers at Transportation Network Vehicle Service (TNVS).
Isa lang ang nakikita nating solusyon, bigyan ng pansamantalang permit ng Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) ang mga colorum na pampasaherong sasakyan kapag holiday season at kapag ginawa ‘yan ng LTFRB, tiyak na hindi na magiging choosy ang mga taxi at tnvs drivers.





Comments