top of page

Todo-thank you kay PBBM sa award ng madir… SIGAW NI LOTLOT: NORA, NATIONAL PRIDE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 7
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 7, 2025



Photo: Lotlot De Leon - IG


Nag-post sa social media si Lotlot De Leon ng pasasalamat kay PBBM sa iginawad na Presidential Medal of Merit para sa ating Superstar and National Artist na si Nora Aunor. 


Ang mga sumusunod ang kanyang naging pahayag:


“Last May 4, our beloved National Artist, our mother, Ms. Nora Aunor, was once again given a prestigious honor—posthumously awarded the Presidential Medal of Merit by President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., with the gracious presence and support of First Lady Liza Araneta Marcos.


“Our hearts are full. This recognition is more than an award—it is a powerful affirmation of the lasting legacy our mom has left behind. Her artistry, her voice, and her deep connection with the Filipino people have shaped our nation’s cultural identity. She was not just an actress or a singer—she was, and will always be, a symbol of excellence, resilience, and national pride.


“We extend our deepest gratitude to President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta Marcos for this meaningful tribute.


“Their continued support for the arts and recognition of our mother’s extraordinary contributions ensure that her legacy will live on and inspire generations to come.

“Mommy our Superstar, our National Artist,


Ang Ina ng Sining ng Industriya ng Pilipino, thank you for everything. This honor is yet another shining jewel in the crown of your lifelong dedication to Philippine arts and culture.


“Again, to our President Bongbong Marcos Jr. and to our First Lady Liza Araneta Marcos, maraming maraming salamat po!


“Maraming salamat po sa lahat na patuloy na nagmamahal sa aming mommy lalo na sa lahat ng fans niya. Mabuhay po kayo at mabuhay ang alaala ni Nora Aunor, at mabuhay ang sining at kulturang Pilipino.”


Hindi lang si PBBM ang pinasalamatan ni Lotlot kundi lahat ng Noranians. At ang mga sumusunod ay ang simple pero wagas na pasasalamat niya.


“To all the NORANIANS, mula noon hanggang ngayon, hindi n’yo iniiwan si Mommy. Taos-puso at wagas na pasasalamat po sa inyo. Thank you po sa pagmamahal at suporta n’yo kay Mommy that you also have passed down to us her children.


“Mula sa aming magkakapatid, Ian, Matet, Kiko, Ken at sa akin at sa aming mga anak. Mahal po namin kayo! God bless all of you and thank you!”


Ikinasaya ng mga Noranians ang pasasalamat nilang magkakapatid at pinusuan ng mga netizens.



SAMANTALA, mala-rollercoaster ride na pag-ibig ang ibinahagi ng It’s Showtime (IS) host na si Cianne Dominguez sa debut extended play (EP) na Gumamellow.


Hango sa mga salitang gumamela at mellow ang titulo ng five-track mini album na sumasalamin sa feminine at sweet side ng musika ni Cianne.


Tampok dito ang tatlong bagong awitin na Gumamellow, Layag at Sikreto at ang singles na Traffic at Shot Puno na nauna na niyang ilunsad. Lahat ng kanta sa EP ay nagmula sa komposisyon at produksyon ni Teddy Corpuz.


Sa key track na Layag na naging bahagi ng Spotify Fresh Finds Philippines playlist, inilarawan ni Cianne ang nararamdamang pag-ibig bilang paglalayag sa gitna ng alon ng dagat kasama ang taong mahal.


Noong nakaraang taon, nagpakilala ang StarPop artist sa pamamagitan ng kanyang unang single na Traffic. Kasunod nito, inilabas niya nitong Pebrero ang Valentine’s offering na Shot Puno.


Bago nagsimula ang karera niya sa musika, naging grand finalist si Cianne sa Sexy Babe (SB) segment ng IS at tuluyan nang naging mainstay ng noontime show.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page