Search
  • BULGAR

Todo-text habang naglalakad... ANAK NINA AIKO AT JOMARI, NAHULOG SA HAGDAN, KAMAY BALI!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 23, 2020




Bali ang kanang kamay ni Andre Yllana, anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez, dahil nahulog sa hagdan.

Abut-abot ang nerbiyos ng aktres sa tinamo ng anak dahil kitang-kita niyang namilipit sa sakit at kaagad itinakbo sa hospital si Andre.

“Nagte-text kasi, hindi namalayan ‘yung isang step, hayun, nahulog! Natakot ako, siyempre. Kaya hayan, naka-cast siya for a month,” say ni Aiko sa amin nang i-chat namin dahil nga nagulantang siya sa titulo ng huling article namin tungkol sa kanya.

Anyway, hindi muna pinapayagang magmaneho ni Aiko ang anak at hangga’t maaari ay hindi muna ito maglalalabas hangga’t naka-cast.

“Oo, kaya hirap siyang kumilos, pati sa pagda-drive, hirap, pero hindi ko siyempre hahayaan,” sabi pa.

Nabanggit din ng aktres na pinadalhan ni Andre ang Papa Jomari niya ng steak bilang regalo sa pagdiriwang ng Father’s Day nu'ng Linggo. Ang sweet ng binata niya!

“Oo, ate, mahal na mahal ni Andre ang tatay niya,” saad ng nanay ng binata.

At dahil hindi makasulat si Andre ng Father’s Day dedication ay nakiusap sa ina na ito na lang ang sumulat.

“Ha-ha! Hindi makasulat si Andre kasi nga right hand ang bali, ako ang pinasusulat ng letter. Sabi ko, ‘Ikaw na, alam ng tatay mo ang sulat ko, ha, ha, ha,'” tumawang sabi nito.

Ang ikalawang anak na si Marthena ay bumati naman sa amang si Martin Jickain na nasa Boracay kasama ang pamilya.

Samantala, wala pa ring balita si Aiko kung kailan ang balik-taping nila sa GMA para sa Primadonnas kahit gustung-gusto na niyang mag-work dahil hindi siya sanay na walang ginagawa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.