Todo-tanggol sa mga bashers, pero… FRANKIE, UMAMING INAAWAY SI KIKO SA BAHAY
- BULGAR
- Aug 5
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 5, 2025
Photo: Frankie Pangilinan - IG
Mas nakilala ang tunay na pagkatao ng anak ng aktres na si Sharon Cuneta at ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan base sa mga naging sagot nito sa interview ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan lang.
Sa question and answer portion ay napag-usapan nila ang tungkol sa pagtatanggol ni Frankie sa kanyang ama na si Sen. Kiko sa mga bumabatikos dito.
Tanong ni Kuya Boy, “Ano’ng sasabihin ng dad mo every time you do it for him?”
Sagot ni Frankie, “Actually, kami po ni Dad, most often we’re the ones who argue at home. Which is why I think it’s ‘yung parang hindi po s’ya ‘yung para dine-defend ko daddy ko, hindi po s’ya blind defense, loyalty, whatever.
“I think whenever I defend him, people think ‘Obviously,’ kasi daddy ko ‘yan. And to some extent, definitely may bias, wala namang hindi puwedeng maging bias pagdating sa mga daddy nila, daddy ko ‘yun, eh.”
Dagdag pa ni Frankie, “But at the end of the day, talagang inaaway ko po ‘yan. Actually, tuwing may hindi po ako naiintindihan, you know we’re still different enough in like temperament and like when I say it’s never out of a place of disagreement.”
Sabi naman ni Kuya Boy, “It’s a discussion, it’s an exchange of opinions.”
Sagot uli ni Frankie, “It's an exchange. It's never something na gusto ninyong saktan ang isa’t isa.”
Natanong din ng magaling na host na si Kuya Boy kung naisip na ba niyang pasukin ang mundo ng pulitika.
Ani Frankie, “No po, and I think that’s why. I think that, honestly, this part, because I understood suddenly na ganu’n pala ang mga tao, actually, tuwing nagiging politically involved, ibig sabihin, may ambisyon, or something like that. And I’ve never been that kind of person.”
Dagdag pa niya, “It’s really just tayo pong Pilipino na nais pong magbago po ang mga problema sa Pilipinas and I think that’s really just it, bilang mamamayang Pilipino, hindi po bilang anak ni sino man.”
Maraming netizens ang humanga kay Frankie, sa pagiging smart at hindi na raw kailangang magpa-cute para lang makakuha ng atensiyon ng ibang tao.
Sabi nga ng mga netizens, “The way she talks, the way she moves, I can see she's a very smart and talented young lady.”
Pak na pak!
MATUTUWA ang mga magulang kung mapapanood ng mga anak nila ang pelikulang Mga Munting Tala sa Sinagtala (MMTS).
Ang nasabing pelikula ay puno ng moral values, na itinuturo sa kabataan ang katatagan sa mata ng inosenteng buhay, at kung paano natin dapat lutasin ang isang problema.
Bukod sa mga aral na matututunan sa movie ay meron ding eksenang nakakakilig para sa mga teenagers.
Ang MMTS ay produced by Mamu’s Talent House Agency and Camerrol Entertainment Productions at sa direksiyon ni Errol Ropero at pinagbibidahan nina Ryrie Sophia, Richard Kuan, Jeffrey Santos, Miles Poblete, Shira Tweg, Potchi Angeles, Francis Saagundo, Scarlet Alaba, Dray Lampago at Yassi Ibasco.
Hindi nagpatalbog ang mga batang bida sa mga beteranong artista. Ang gagaling umarte at magbitaw ng dialogue ng mga bata na tipong bigla na lang maiiyak ang nanonood.
Pagbitaw ng dialogue ng bata ay ramdam na ramdam mo ang bawat eksena. May nakasabay na bata si yours truly nu’ng palabas na ‘ko ng sinehan. Ang sabi ng bata habang naglalakad palabas ay “Uulitin ko uling panoorin ang Sinagtala, ang ganda.”
Oh, ‘di ba? Pati bata ay nagandahan sa movie.
Isa ito sa pinakamahuhusay na pelikula ni Direk Errol Ropero.
Showing ngayong September sa iba't ibang paaralan sa bansa, ito ay magbibigay sa iyo ng realisasyon kung gaano kalalim ang koneksiyon mula sa pamilya, pananampalataya at kaibigan.