Todo-push na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN…JAY SONZA KAY CONGW. VILMA: MAGKANO?!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 21, 2021

Si Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto naman ang binanatan ngayon ni Jay Sonza dahil nag-file ito ng bill na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.
Sa kanyang Facebook post last Tuesday, nagbigay ng mensahe kay Ate Vi si Jay at tinututulan ang ginawa nito.
“Cong. Vilma Santos, what renewal are you talking about? There is nothing to renew because the network has no live or existing franchise to begin with.
“Ang dami nang bobo sa Kongreso, huwag mo nang idagdag ang sarili mo sa bilang nila.
“Tapatin mo ang bayan, Ate Vi. Huwag na tayong magbolahan pa, magkano ba talaga ang dahilan?” ang mensahe ni Jay kay Congw. Vi.
Earlier this week ay nag-file si Ate Vi ng bagong bill na naglalayong ma-renew ang franchise ng ABS-CBN for another 25 years. Ito ay matapos mag-file si Senate President Tito Sotto ng similar bill sa Senado.
As we all know, malaki ang galit ni Jay sa ABS-CBN at isa talaga siya sa mga tutol na tutol na mabigyan ng panibagong franchise ang dati niyang network.





Comments