Todo-PDA noon, dedmahan na ngayon… KALAT NA: ANDREA AT RICCI, HIWALAY NA

ni Maricon Nolasco @Special Article | June 8, 2023

Maraming fans ng real-life couple na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ang labis na nababahala sa kung ano ang kasalukuyang estado ng relasyon ng dalawa.
Napansin kasi nila na biglang nanahimik ang showbiz sweethearts sa social media at parang naging malamig na rin ang pakikitungo nina Andrea at Ricci sa isa't isa.
Nanibago ang mga fans and supporters ng dalawa dahil nasanay sila na dati-rati ay palaging nagpo-post sina Andrea at Ricci ng mga sweet pictures nila together.
Pero, ngayon nga ay mahigit isang buwan na silang hindi nagpo-post ng mga photos and videos na magkasama.
Kahit na naka-follow pa rin ang dalawa sa isa't isa, ikinawindang ng mga netizens kung bakit hindi man lang daw binati ni Andrea ang boyfriend na si Ricci nu'ng mag-celebrate ito ng kanyang 25th birthday.
Pagtatanong ng mga fans ng magdyowa, "Kumusta ba sila ni Andrea? No greetings from her on Ricci's birthday. Huhu! Our BlyCci hearts are bothered!"
Tanong pa ng isa nilang supporter, "Bebe, kumusta kayo ni Ricci? Sana, bigyan n'yo kaming mga fans ng confirmation na okay lang kayo. Napapraning na kami. Huhu! Deserve namin ng kahit short, but sweet update, 'di ba?!"
'Kalurkey naman ang mga fans nina Andrea at Ricci, ang advanced mag-isip, ah! Break agad?!
Baka naman mas bet na ng magdyowa na gawing 'low key' ang kanilang relasyon. Hehe!





Comments