top of page

Todo-hinayang na iniwan ang career sa 'Pinas… SANDARA: 'DI NAMAN AKO NAGKAPERA SA KOREA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 07, 2023




Gusto ni Sandara Park na magkaroon ng stage concert tour.


Ani ng K-Pop singer, "Iba 'yung happiness ko sa stage."


Dito sa Pilipinas mas naunang nakilala si Sandara kung saan tinagurian siyang "Pambansang Krung-Krung".


Matagal na nanatili rito sa bansa ang singer-actress. Bumalik siya sa Korea dahil ibig daw niyang makilala rin bilang K-pop singer.


Nasali siya sa K-Pop female group na 2NE1, pero na-disband din ang kanilang grupo.


Nasa 'Pinas ngayon si Dara at nagpo-promote ng kanyang first-ever self-titled album.


Aniya, "Before ang dream ko lang is to release my own album, pero ngayon, ang dream ko is to have a tour, parang world tour, pero hindi naman du'n sa mga arena level. Kahit 'yung maliit na venue, gusto kong mag-tour pa rin kasi may fans pa rin ako all over the world."


Sinabi ito ni Dara nang mag-guest siya sa YouTube Channel ni Luis Manzano kamakailan.


"Ito 'yung first album ko after 2NE1's disbandment, so parang I really wanted to be on stage again as a singer, kasi before, acting lang ako and then nagho-hosting lang ako. Siyempre, I was happy pero iba pa rin 'yung happiness ko sa stage," pagbabahagi pa niya.


Nang tanungin if she wants to do a show with ABS-CBN again, sagot niya, "Siyempre, gusto ko, kasi last show ko sa ABS-CBN is 'yung Pinoy Boyband Superstar. I was so happy pero after the last show, I was really sad because when I was going back to Korea, iniisip ko, kailan kaya ako babalik ulit?"


Sandara expressed her gratitude to her Filipino fans who continue to support and love her.


"Dito ako nanggaling, 'di ba? I am really touched kasi after twenty years, nandito pa rin kayo at pupunta ako sa market, kahit 'yung mga lola, lolo, kilala nila ako at nakikita ng management ko from Korea na, 'Wow, you're really loved in the Philippines.' So proud na proud ako. Mahal na mahal ko kayong lahat, gusto kong magka-movie rito."


May regrets ba siya nang umalis noon sa 'Pinas?


"Noon, wala. Dahil gusto ko nga na makilala rin bilang K-Pop. Pero ngayon, masasabi ko na oo, meron, kasi hindi naman ako nagkapera du'n, eh."


Kuwento niya, hindi raw siya nakakaipon doon dahil lahat ng gastusin nila nu'ng member pa siya ng 2NE1 ay sila rin ang sumasagot. Naghahati-hati silang mga members.


Sa ngayon, may planong magbalik-'Pinas si Sandara.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page