Sa pang-5 dyowa na national athlete… GENEVA, GAME MAGPAKASAL ULI
- BULGAR

- May 3
- 3 min read
Updated: May 21
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 3, 2025
After 35 years in showbiz, ngayon lang magkakaroon ng first major concert si Geneva Cruz, ang Gen Evolution na gaganapin sa Music Museum on May 30.
Paliwanag ni Geneva kung bakit ngayon lang at hindi pa nu’ng 25th anniversary niya sa showbiz, feeling niya, ngayon pa lang talaga siya ready and right time ito since hindi nga matuluy-tuloy ang reunion nila ng mga kagrupo niya sa Smokey Mountain.
But good thing is director at todo-support sa kanya ang dating kagrupo at itinuring na rin niyang best friend niya na si Jeffrey Hidalgo sa kanyang Gen Evolution concert, kaya inspired si Gen na hindi lang todo-praktis sa pagkanta kundi panay din ang workout para hindi raw siya hingalin sa concert lalo’t hahataw din daw siya ng sayaw sa edad na 49!
Yes, 1 year na lang at Golden Girl na si Geneva pero sabi nga niya, wala sa edad ‘yan kaya patutunayan niyang may ibubuga pa siya.
Mas inspired din ngayon si Geneva dahil masaya ang puso niya sa piling ng BF na national athlete.
Sa kabila ng 4 failed relationships at pagkakaroon ng anak na si Heaven kay Paco Arespacochaga at bunsong si London sa huling partner niya bago dumating ang dyowa niya ngayon, never daw siyang nadala at sumuko sa love dahil naniniwala raw siyang iba-iba naman ang mga tao.
Kaya kung sakaling yayain siya ng kasal ng kanyang ika-limang partner ngayon, open pa rin siya at willing magpakasal.
Pero sa ngayon, busy muna si Geneva sa kanyang upcoming concert sa May 30 at marami raw siyang pasabog na throwback ng kanilang Smokey Mountain days para maka-relate ang mga fans na kaedad niya.
Bongga! Lalambitin din kaya si Geneva tulad ng nasa poster ng Gen Evolution?
Watch na lang tayo, mga Ka-BULGAR!!!
Padir, tao lang daw…
IÑIGO, HAPPY NA MAY BAGONG BABAE SI PIOLO
Habang nagkakaedad, mas nagiging kamukha na ni Iñigo Pascual ang amang si Piolo Pascual, at pati boses at paraan ng pagsasalita ay pareho na rin sila.
Muli naming nakita at nakausap si Iñigo kahapon sa Spotlight presscon ng Star Magic sa Coffee Project in front of ABS-CBN Audience Entrance. Medyo nag-gain na ng weight ang aktor-singer kaya mas gumuwapo at nagka-appeal ito.
Nasa ‘Pinas ngayon si Iñigo dahil sa latest film niyang Fatherland, pero mas madalas na siyang abroad dahil sa kanyang dream na maging international actor.
Although, hindi rin naman talaga niya iiwan totally ang career niya sa ‘Pinas lalo't may mga nagawa na rin siyang projects at kilala na nga rin siya rito.
Kaya naman natanong si Iñigo kung dream at willing din ba siyang makasama sa movie ang amang si Papa P.
Aniya, of course, gusto niyang makasama si Papa P. at ang naiisip niyang movie project para sa kanilang dalawa ay ‘yung magkaribal o magkaagaw sila sa isang girl.
So, ang next question siyempre is sino ang girl na pag-aagawan nila?
At ang sagot ni Iñigo, puwede raw si Arci Muñoz na minsan na ring naging leading lady ng ama sa isang serye.
Natanong namin si Iñigo kung nangyari na rin ba in real life na pareho silang nagkagusto sa iisang babae ni Papa P.
Natawa ito at nagbirong ibang generation na si Piolo at malayo sa edad ng mga natitipuhan niya, kaya never pa naman daw nangyari, although pa-bagets na rin nang pa-bagets ang nagiging leading ladies ng ama lately.
Samantala, hiningi namin ang reaksiyon ni Iñigo sa nag-viral recently na photo ni Piolo sa isang yate na may kasamang Fil-Chinese model na Kim Rivera raw ang name.
Nagulat si Iñigo dahil hindi pa raw niya nakita ang photo, at tinanong pa kung “Maayos naman ba?” o ano bang pose o datingan ng ama at ng girl.
Pero if ever true, happy naman daw siya para kay Piolo.
“Tao lang naman siya and he deserves it,” nakangiti pang sabi ni Iñigo, na knowing his dad daw ay tatawa lang ito ‘pag tinanong o kinantiyawan niya.
Bukod sa kanyang acting and singing career, inamin ni Iñigo na susundan na rin niya ang yapak ni Piolo as businessman at soon ay magtatayo na rin siya ng sarili niyang negosyo.
Wow! Sana all blessed na blessed na blessed!
Congrats, Iñigo Pascual!!!












Comments