Gumawa na naman ng ingay ang latest video na ipinost ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account.
Sa naturang video kasi, ipinakita ni Heart ang invitation sa kanya para sa Milan Fashion Week at binasa ang laman ng card sabay dialogue ng "I love Kim (name ng nagpadala ng invitation) and this is not edited."
Agad nabigyang-kulay ang huling sinabi ni Heart na "And this is not edited" dahil kung matatandaan, ilang araw pa lang ang nakalilipas ay kumalat ang isyung may in-edit na video ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach mula sa Carolina Herrera fashion show na ipinost nito sa kanyang Instagram account gayung may iba palang original na may-ari ng video.
Agad din naman daw tinanggal ni Pia ang kanyang posted video nang ma-call out ng ilang netizens na hindi siya ang original na may-ari nito at nu'ng ibalik ay edited na ang caption.
At dahil nga sa sinabi ni Heart, tiyak na iinit na naman ang word ward sa pagitan ng mga fans nila ni Pia Wurtzbach lalo't pareho silang nasa Milan, Italy para rumampa sa Milan Fashion Week.
Ihanda na ang popcorn, guys! Char!
Kanila na lang daw 'yun…
ARJO, TIKOM ANG BIBIG SA PAGBUBUNTIS NI MAINE
HINDI na inisa-isa ni Quezon City 1st District Congressman Arjo Atayde ang mga ginagawang suporta sa kanya ng misis na si Maine Mendoza para sa kanyang political career pero definitely daw, very supportive wife ang Eat… Bulaga! host kahit pa meron din naman itong sariling showbiz career.
Naa-appreciate rin ng aktor-pulitiko ang pagiging sobrang understanding ni Maine sa kanyang busy schedule dahil 'di raw ito demanding sa kanyang oras, although tinitiyak din naman niyang nabibigyan niya ng quality time ang asawa lalo't isang taon pa nga lang naman silang kasal.
Natanong nga namin si Cong. Arjo sa kanyang thanksgiving party-cum early Christmas party for the press people kung posible rin bang sundan ni Maine ang yapak niya at pumasok na rin sa pulitika.
Kaswal na sagot ni Cong. Arjo, "Naku po, malabo 'yun. Again I said this is my own battle. We are not ambitious of power, we're not trying to get anywhere here. I'm just trying to help as much as I can.
"And it's been working out well, wala kaming record of any stealing for the past 2 years," pagmamalaki ni Cong. Arjo na bagama't loaded ang schedule sa showbiz at politics ay 'di raw nagko-complain sa mga blessings na dumarating sa kanya.
Samantala, ayaw magsalita ni Cong. Arjo kung kelan nila balak magka-baby ni Maine dahil masyado na raw personal ang bagay na 'yun, although tiniyak niyang gusto rin naman nilang magkaroon talaga ng sariling pamilya at 'pag nagka-baby sila, family ang kanyang top priority more than being an actor and politician.
VERY intimate lang ang naging celebration ng 41st birthday ng singer-turned director-producer na si Ice Seguerra last Tuesday (Sept. 17) sa kanilang Fire & Ice Studio ng misis niyang si former FDCP Chair Liza Diño.
Family, few closest friends and some members ng Society of Phil. Entertainment Editors (SPEEd) lang ang kanilang inimbita ni Chair Liza para makasama ni Ice.
Kilala kasi si Ice na talagang maliit lang ang circle of friends niya pero alam niyang komportable siya na maging totoo.
Saglit lang kaming nakapagtsikahan ni Direk Ice dahil busy siyang kausap ang mga non-showbiz friends niya.
Katabi ni Ice that night at hinihimas-himas (sorry, Chair Liza, may kahati ka pala, char!) ang kanyang two-year-old fur baby na si Chowder na isang shy type bulldog.
Mahilig si Ice sa mga aso at kung matatandaan, iniyakan pa nga niya ang pagkamatay noon ng kanyang pet na si Choppy na biktima ng hit and run.
Well, bukod sa pagkanta, isa siguro sa stress reliever ni Ice ang pag-aalaga ng kanyang fur baby.
Anyway, congrats kay Direk Ice sa kanyang recent Videoke Hits: OPM Edition concert na ginanap sa Music Museum.
At para sa mga hindi pa nakapanood, may repeat ito sa November 8 sa Music Museum pa rin kaya puwede na kayong magpa-reserve at bumili ng tiket para 'di kayo maubusan.
Happy Birthday, Direk Ice! Mabuhay ka hanggang gusto mo!!! Hehe!
Comments