top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Todo-emote raw… SIGAW NG NETIZENS: KRIS, OBYUS NA SISING-SISI SA PAGBUBUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2023
2 min read

ni Ma. Consuelo Nolasco @Special Article | May 11, 2023



Marco Gumabao at Cristine IG

Napataas ang kilay ng mga netizens sa ipinost ni Kris Bernal na video sa kanyang Instagram account kung saan suot niya ang parehong two-piece bikini nu'ng sexy pa ang pangangatawan niya at ngayong buntis na siya sa unang anak nila ng asawang businessman na si Perry Choi.


Tila nga pinagkukumpara niya ang hitsura niya noon sa ngayon.


Ani Kris sa kanyang caption: "Same fit but add another human. A little fun at 26 weeks bump update. Baby is moving around like a gymnast, linea negra and pink streaks in my belly become more noticeable, I can barely see my coochie or anywhere beneath my belly, having the wildest and weirdest dreams of my life with night sweats, experiencing pregnancy insomnia that comes with anxiety and worries, and just most of the time I'm in zombie mode.


"So blessed to experience this and this baby girl is already filling our days with so much love and hope. Thanks for the outpouring support of love y'all."


Kahit na sinabi ni Kris sa dulong mensahe ng kanyang post na blessed siya na ma-experience ang ipagbuntis ang unang baby nila ng asawang si Perry, sa paningin ng mga netizens ay kabaligtaran ito ng nais niya talagang iparating sa publiko.


"Blessing 'yan, bakit parang pinagsisisihan mo?" tanong ng isang netizen tungkol sa ipinost ni Kris sa kanyang Instagram.


Sinagot naman ito ni Kris ng, "Read the caption po. Blessed for the miracle of life, for what my body is doing, and loving my bump in this season which means my baby is growing! It doesn't make you a bad mama or ungrateful to have feelings that aren't always sunshine and rainbows!"


Well, hindi pa rin naging maganda ang pagtanggap ng mga netizens sa ginawang depensa ni Kris sa nasabing IG post.


Para kasi sa mga netizens ay salungat ang ipinapakitang aksiyon ng aktres kesa sa sinasabi nitong grateful siya sa kanyang pagbubuntis.


Inihalintulad pa nga si Kris ng mga netizens sa ibang celebrities na kahit nagbuntis ay never nagreklamo sa social media tungkol sa mga pagbabago sa kanilang katawan.


"Napaka-contradicting naman kasi ng caption at video. Blessing, pero ang daming kuda sa mga body changes niya. Blessed, pero reklamador yarn. Napakaarte, gusto lang mapuri na it's okay, you'll get back in shape. Eme, eme, 'yan ang gusto niyang mabasa."


"I like Kris and I follow her on IG, but since naging preggy lagi na lang nagko-complain that her body is like this, like that. Ang daming nanganak na celebs na 'di naman OA kung ipangalandakan na may mga changes sa body nila. It's a given na magbabago talaga ang katawan mo after pregnancy and child birth. Just enjoy the blessing na lang."


'Ika nga nila, every pregnancy is a blessing. So, sana i-enjoy na lang ni Kris ang pagbubuntis niya.

Kering-keri naman niyang ibalik ang kanyang sexy body pagkatapos manganak, 'di ba?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page