Tiyak na tataas ang presyo ng tuyo at sardinas dahil sa oil spill
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 19, 2023
‘PAG TUMAAS ANG PRESYO NG ISDA, SAPOL ANG MGA POOR DAHIL TATAAS DIN ANG PRESYO NG TUYO AT SARDINAS—Dahil sa oil spill sa malawak na karagatang sakop ng Oriental Mindoro, posible raw tumaas ang presyo kada kilo ng mga isda sa bansa.
Naku po, tiyak na tatamaan na naman ng taas-presyong ‘yan ang mahihirap na Pilipino dahil kapag nagtaas na ang presyo ng isda, tiyak tataas din ang presyo ng kadalasang inuulam ng mga maralita, at ito ay ang tuyo at sardinas.
Sakaling mangyari ‘yan at hindi na afford ng mga maralita na bumili ng tuyo at sardinas, baka pagdidildil na lang ng asin ang gawin nilang ulam. Tsk!
◘◘◘
PABIDA NI SEN. ROBIN SA CHACHA, TABLADO KAY SENATE PRES. ZUBIRI—Mismong si Senate President Migz Zubiri ang nagsabi na hindi prayoridad ng Senado ang Charter-Change (Chacha) na isinusulong ni Sen. Robin Padilla.
Hindi man aminin, tiyak na inis na inis si Sen. Robin kay Senate Pres. Zubiri dahil panay ang pabida niya, kung saan galing-galingan siya na baguhin ang Konstitusyon, tapos tablado pala dahil reject ito sa senate president. Boom!
◘◘◘
MATAPOS MAGLABAS NG ICC NG WARRANT OF ARREST KAY PUTIN, TIYAK NA KAKABA-KABA NA SI EX-P-DUTERTE DAHIL BAKA SIYA NA ANG NEXT—Nagpalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Russian Pres. Vladimir Putin kaugnay sa war crimes at crimes against humanity sa panggigiyera nito sa Ukraine.
Hindi man aminin, tiyak na kakaba-kaba na si ex-P-Duterte dahil kung nagawa ng ICC na isyuhan ng warrant of arrest ang Presidente ng isang super-power na bansa tulad ni Putin, mas madaling maglabas ng warrant of arrest laban sa dating presidente. Bukod kasi sa hindi na siya Pangulo, 3rd world country o mahirap na bansa ang Pilipinas.
Ang nais nating ipunto rito, matapos magpalabas ng warrant of arrest laban kay Putin, malamang na ang next na iisyuhan nito ay si ex-P-Duterte. Abangan!
◘◘◘
‘PAG NASAKOTE NG ICC SI PUTIN, HAHAYAAN NG RUSSIAN VP NA MABULOK ITO SA KULUNGAN PARA MAGING PRESIDENT SIYA—Totoo na hindi magagawa ng ICC na ipahuli ngayon si Putin sa Russia dahil siya pa ang Presidente ru’n. Pero kung lalabas ng Russia si Putin para dumalo sa mga international summit o state visit, delikado siya dahil puwedeng maganap ang pag-aresto sa kanya. Kapag nangyari ‘yan, tuwang-tuwa si Russian Vice President Dmitry Medvedev dahil siya ang papalit na Presidente ng Russia.
Kaya ‘yung mga comment sa social media na kapag inaresto sa labas ng Russia si Putin ay pagmumulan ito ng World War III o nuclear war, malabong mangyari ‘yan dahil kapag nasa ICC jail na ito, tiyak na hahayaan lang ni VP Medvedev na mabulok siya sa kulungan para hindi na ito makabalik sa poder at magtuluy-tuloy ang pag-akto ni Medvedev bilang Russian President, period!





Comments