Titser nabangga, patay... Anak ng Vice Mayor, ‘wanted’ sa LTO
- BULGAR

- Jun 28
- 1 min read
ni V. Reyes | June 28, 2026

Photo Circulated
Naglabas na ng Show Cause Order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa anak ng isang bise alkalde kasunod ng insidente sa Marikina City na ikinamatay ng biktima.
Sinuspinde na rin ng 90 araw ang bisa ng lisensya ng suspek na drayber na hindi pinangalanan ng LTO.
Pinahaharap sa Intelligence and Investigation Division sa Hulyo 8, 2026 ang nakarehistrong may-ari ng sasakyan na nasangkot sa insidente.
Inatasan din ang may-ari na magsumite ng sinumpaang paliwanag kung bakit hindi ito dapat managot sa batas kaugnay ng Driving While Under the Influence of Alcohol or Narcotic Drug.
Kasunod ito nang natukoy sa Alcohol Breath Analyzer (ABA) na may Blood Alcohol Concentration (BAC) na 0.410% na ibig sabihin ay positibo sa alak ang drayber.
“Wala tayong sinisino. Ang sinumang lumalabag sa batas ay mananagot, anuman ang kanyang katayuan sa buhay o koneksyon. Hindi natin hahayaang may buhay na kapalit ang kawalang-disiplina sa kalsada,” diin ni LTO Assistant Secretary Lacanilao.
Una nang napaulat ang pagkakasawi ng 27-anyos na senior high school teacher na si Alexander Quintos Cruz matapos na masalpok ang kanyang sinakyang motorsiklo ng SUV na minamaneho ni David Alfre Gonzaga de Guzman, 24, sa intersection ng Brgy. Concepcion Dos, Marikina City noong Hunyo 13.





J'ai regardé Casino Extra sans a priori particulier, juste pour voir ce que ça donne concrètement. Le site affiche une opération sous Starfish Media Corp avec une régulation Curaçao eGaming. Ce type de licence existe et est courant dans le secteur, mais il faut être honnête : le registre public n'est pas toujours facile à consulter directement, ce qui rend la vérification indépendante un peu laborieuse. Pour ceux qui veulent creuser, un avis structuré est disponible sur CasinoExtra avec les éléments factuels relevés. Ce qui m'a semblé notable, c'est que la navigation par catégories est cohérente et que le positionnement "grand public avec promotions" est assumé clairement dans la communication du site. En revanche, certains détails comme l'année de lancement exacte…