‘TitoSen’, concern kuno sa mahihirap, todo-support naman sa EJK na anti-poor
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 18, 2022
SOLUSYON NG GOBYERNO SA PROBLEMA, PROBLEMA PA RIN–Mula sa dating P9 pasahe sa jeep, pinag-aaralan na ngayon ng Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) na pagbigyan ang hirit ng mga jeepney drivers na gawing P12 hanggang P14 kumporme sa ruta ang pasahe bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga krudo sa bansa.
Ganyan kawalang-kuwenta ang gobyerno sa pag-solve ng problema kasi ang solusyon nila sa problema ng mga tsuper ay ang dagdag-pasahe, na problema naman ng mga pasahero, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
KUNG MAKAPAGSALITA SI ‘TITOSEN’ AKALA MO TUNAY NA MAY MALASAKIT SA MAHIHIRAP–Nag-post sa social media si outgoing Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III na tila binabatikos ang Philippine National Police (PNP) dahil imbes umano hulihin ay pinag-presscon pa ang rich na may-ari ng luxury car na nanagasa sa isang sekyu.
Aniya, mistulang iba ang trato ng kapulisan sa mahirap at mayaman kasi kapag mahirap ang nagnakaw ng bayabas ay kulong agad, pero kapag mayaman naman ang nasangkot sa kaso ay may pa-presson-presscon pa.
‘Sus, kung makapagsalita si Sotto akala mo totoong may malasakit sa mahihirap, pero noong maraming mahihirap na ang napapatay sa drug war ni P-Duterte, isa siya sa mga senador na pumipigil na imbestigahan ng Senado ang EJK, kung saan karamihan sa mga napatay ay mahihirap nating kababayan, period!
◘◘◘
DAPAT PUNTAHAN NG COA ANG BAHAY NG MGA OPISYAL NG PIA KASI BAKA NAIUWI ANG MGA NAWAWALANG GAMIT NA WORTH P206-M–Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang pagkawala ng kagamitan sa tanggapan ng Philippine Information Agency (PIA) na nagkakahalagang mahigit P206 milyon.
Ganun? Worth P206-M ang nawalang kagamitan sa PIA?
Aba’y dapat puntahan ng COA ang bahay ng mga opisyal ng PIA kasi baka may naiuwi, boom!





Comments