top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Tito at Raffy, tuta ng Malacañang... Ping aso, tuta si Erwin — Alan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 20
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 20, 2026



Alan Peter Cayetano, Erwin Tulfo at Ping Lacson - Senate PH

Photo: Alan Peter Cayetano, Erwin Tulfo at Ping Lacson - Senate PH



Tahasang tinawag ni Senador Alan Peter Cayetano na tuta umano ng Palasyo sina Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III at Senador Raffy Tulfo habang tuta naman ng asong si Sen. Panfilo “Ping” Lacson si Sen. Erwin Tulfo. 


Sa kanyang Facebook live sa kanilang Fellowship lunch kasama ang kanyang mga staff, sinabi ni Cayetano na makikita ng publiko ang iba’t ibang diperensya ng mga kapwa niya senador. 


Patutsada ni Cayetano, itinanggi pa umano ni Raffy ang akusasyong tuta sila ng Palasyo. 

“Makikita mo ‘yong diperensya nila, e. Sabi ni Raffy Tulfo, hindi daw sila Malacañang. In other words, hindi sila tuta,” ani Cayetano. 


Tuta naman aniya ng Palasyo sina Raffy at Sotto ngunit iba si Erwin dahil tuta ang huli ni Lacson.


“But doon po makikita ‘yong graduated and experienced. Bakit? Kasi si Sen. Tito Sotto and Sen. Raffy Tulfo, at least sila tuta ng Malacañang,” diin ni Cayetano.


“Pero si Erwin Tulfo, tuta lang ni Lacson. Hindi siya tuta ng Malacañang. Kasi nga may hawak sa kaniya si Sen. Lacson na alam sa kaniya,” hirit ni Cayetano.


“Sabi noong iba, kung sasabihin mong tuta, ano si Sen. Lacson? Hindi na po tuta si Sen. Lacson. Aso na po siya. Matagal na po siya,” patuloy niya.


“Meron ding pong ‘asokaso.’ Ano ‘yong asokaso? Kapag tumahol ‘yong aso, kakasuhan,” pagtatapos ni Cayetano.


Matatandaang pormal na inanunsyo ni Cayetano ang kanyang pagbibitiw sa puwesto bilang Senate President bago nangyari ang Congress special session noong umaga ng Miyerkules, Hunyo 17.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page