“Titibok pa rin” Valentine’s Day stamps itinampok ng PHLPost

ni Jasmin Joy Evangelista | February 14, 2022

Ibinahagi ng Philippine Postal Corporation ang kanilang special stamps ngayong Valentine's Day na may temang "Titibok pa rin" na nag papakita ng lakas at pagasa sa gitna ng mga pagsubok dala ng COVID-19 pandemic.
Ito ay inilunsad ng PHLPost noong Huwebes, Feb. 10, sa Baguio City bilang selebrasyon ng Valentine’s Day sa gitna ng pandemya.
"Sa kabila ng pandemya, ang Pusong Pinoy ay titibok pa rin," ani Postmaster General Norman Fulgencio.
Ang mga stamps na ito ay idinisenyo upang maipakalat ang “hope, strength, and love” sa kabila ng mga pinagdaanan nating mga Pinoy sa panahon ng Coronavirus.
Yung nagkasakit, nawalan ng trabaho, nawalan ng mahal sa buhay, we are dedicating the stamps to all of them," pahayag pa ni Fulgencio.
“'Yung release natin is one of a kind. Innovation ito na dapat ina-apply sa natatamang panahon, kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan. Ito ay para sa mga taong naapektuhan ng pandemya. Nagbibigay tayo ng pag-asa. Life goes on, we have to move forward," dagdag pa niya.
Ang mga stamps, souvenir sheets, at official first day covers ng “Titibok pa rin 2022 Valentine's Special Stamps" ay available sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio. Bawat stamp ay nagkakahalagang P12. Available din ang mga post cards sa halagang P25 per sheet.





Comments