Tisay at matangkad daw ang gusto… JAMES YAP, UMAMING 'DI FEEL MAGING DYOWA SI NADINE
- BULGAR
- Oct 5, 2020
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 5, 2020

Nag-react ang mga fans ni Nadine Lustre sa sagot ng basketbolistang si James Yap sa tanong ni Vice Ganda sa Gabing-Gabi na Vice show niya sa YouTube.
Isa-isa kasing binanggit ni Vice ang name ng mga sikat na female celebs na pagpipilian ni James kung "dyodyowain" o "totropahin".
Sa hanay ng mga famous female celebs na "totropahin" ni James napasama si Nadine.
Katwiran ni James, "Hindi ko pa siya nakita sa personal, eh. Uh, tropa lang, tropa."
May netizen naman ang nag-tweet nito, "@lustrefiedvicey HOY TOTROPAHIN LANG DAW NI JAMES YAP SI NADINE. OH, 'DI BA, IBANG JAMES LANG LOYAL SI MA'M NADINE HEHEHE :))"
Ang dalawang Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray lang ang napili ni James na "dyodyowain".
"'Yun, puwede 'yun, dyodyowain 'yun. 'Yun ang mga type ko, eh," sagot ni James kung bakit si Catriona ang napili niyang "dyodyowain."
Mahilig daw kasi siya sa mestiza at matatangkad gaya ng Italian fiancée niya at mother ng dalawa niyang anak na si Michela Cazzola.
"Pia? Puwedeng dyodyowain, puwedeng totropahin. Kung type niya ako, ganyan," say pa ni James.
Hmmm, 'di kaya magselos at ma-insecure si Michela na type ni James ang beauty queen level lalo pa't until now ay 'di pa rin siya pinapakasalan ng basketbolista?
Aba, dalawa na ang anak nila ni James — si Michael James or "Bugoy" (pet name ni James sa bagets) at ang 2-year-old daughter niya na si Francesca Michelle.
Naiwan pala sa Italy si Michela at ang mga bata. Bumalik si James sa 'Pinas noong first week of September. Three months daw niyang naka-bonding ang kanyang mag-iina sa Italy. Mabigat man daw na iwan sila roon, eh, kailangan niyang bumalik sa bansa.
Ang tanong — nadalaw na kaya niya ang unico hijo kay Kris Aquino na si James "Bimby" Aquino Yap?
May netizen na nag-post ng mensahe para kay Vice na may kinalaman kina Bimby at James. Sabi nito, "Paki-ask mo nga, Vice, kung (may) sustento ba siya kay Bimby, school, gatas at gamit ng bata?!"
Pak!
Comments