top of page
Search
BULGAR

Tirador ng kandila at alay sa sementeryo, bantay-sarado

ni Eli San Miguel @News | Nov. 2, 2024



Photo: FP


Mahigpit na binabantayan ng mga otoridad ang mga bisita sa sementeryo upang maiwasan ang pagnanakaw ng mga alay na pagkain, o “atang,” at mga kandilang iniiwan ng mga pamilya para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.


Ayon sa mga ulat, may ilang kabataan na nagnanakaw ng mga ito, kaya’t nagdagdag ng mga nagpapatrolyang pulis mula sa Philippine National Police (PNP) at mga lokal na opisyal. “’Yun ay isang paglapastangan sa paniniwala, at saka ['yun] ‘yung alay natin sa yumaong mahal sa buhay, kaya pinagbabawalan po natin na huwag po nilang gawin ‘yun,” ani Freddie Villacorta mula sa Calasiao Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) DRRM Office.


Ang “atang” ay isang tradisyunal na ritwal ng mga Ilocano kung saan nag-iiwan ng pagkain ang mga pamilya upang maitaboy ang masasamang espiritu, ngunit naaapektuhan ang kaugaliang ito dahil sa pagkuha ng mga alay at kahit mga natunaw na kandila nang walang pahintulot.


Nagbabala ang mga opisyal sa kalusugan na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ang mga pagkaing naiiwan sa puntod kung kakainin, dahil posibleng kontaminado na ito.


Pinaaalalahanan ng mga otoridad ang publiko na igalang ang mga tradisyon sa sementeryo at iwasan ang pagkain ng mga alay upang maiwasan ang mga posibleng isyu sa kalusugan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page