Du30, humirit na ‘di humarap sa ICC hearing sa Abril 22
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | April 15, 2026

Photo: International Criminal Court (ICC) / File
Inihirit ng abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) na payagan ang kanyang kliyente na huwag nang dumalo sa pagbasa ng desisyon sa hurisdiksiyon ng kanyang kasong crimes against humanity sa ICC sa April 22, 2026.
Sa halip na humarap ang dating Pangulo sa paglalabas ng desisyon, ang kanyang abogadong si Atty. Nicholas Kaufman na lamang ang kakatawan sa kanya.
Ang apela ng abogado ni Duterte ay may petsang April 13, 2026 sa The Hague, The Netherlands.
Sa hiwalay na sulat, inihayag ni Duterte na tinatalikuran nito ang karapatang humarap sa Appeals Chamber sa April 22, 2026 at inatasan nito ang kanyang mga abogado na pakinggan ang magiging desisyon ng korte sa kinukuwestiyon nitong hurisdiksyon ng korte ng ICC sa kanyang kinakaharap na kaso.




Comments