top of page

Tips sa mas nakakakilig na mensahe sa Christmas card

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 9, 2020




Anong hindi na uso ang Christmas card. Mas may touch of love ika ang pagsusulat ng mensahe sa Christmas cards at isa itong masaya at nakaka-challenge gawin, hindi isang karaniwang bagay na parang mga mensahe lang sa chat o social media. Ang pagsusulat ng perpektong mga talata mula sa puso, pangungusap o kahit ng holiday letter ay mainam nang maging napaka-memorable para sa makatatanggap nito.


Ang pagsusulat sa iyong ipadadalang Christmas card ay dapat na mag-reflect sa iyong pagkatao, sa iyong pamilya at espiritu ng Kapaskuhan. Palaging isaisip ang damdamin ng makatatanggap hinggil sa holiday kapag binabati mo sila ngayong Pasko.


1. Piliin ang Christmas cards na wish mong magamit ngayong holiday. Pumili ng cards na mabibili sa bookstores, supermarket o kaya ay homemade cards. Pumili ng card na angkop sa iyong gustong saloobin at may kahulugan na rin sa iyong sariling mga dedikasyon. Pumili ng blangkong greeting card kung nais mong maging personalize ang Christmas cards.


2. Gumawa ng listahan ng tatanggap ng card. Tandaan na isama ang pamilya, iba pang mahal sa buhay, mga kaibigan, katrabaho at mga tao na naging bahagi ng iyong buhay. Puwedeng isama ang espesyal na guro, real estate agent o ang iyong amo. Tiyakin na isama ang mga tao na nagpadala rin sa iyo ng greeting cards sa nakaraang mga taon.


3. Determinahin ang haba ng holiday greetings na nais gamitin. Susulat ka ba ng isang buong holiday letter? Gusto mo bang sumulat ng isang simpleng pangungusap o gagamit ng may temang pang-Kapaskuhan? Kung mayroon kang hindi makalilimutang buong taong event, o kung nais mong sabihin sa naturang tao ang hinggil sa magandang bukas sa mga okasyong pampamilya, piliin ang mas mahabang letter-style na Christmas card.


4. Planuhing mabuti ang mga sasabihin. Gumamit ng quote book o humanap ng magagandang quotations at masentimental ng mga pangungusap online. Sumulat na o gumawa ng rough draft ng personal na impormasyon. Isipin ang mga sasabihin at saka isulat, pagkatapos ay saka muling balikan na basahin ito, pagkatapos ng ilang araw.

Tiyakin na maisama ang iyong damdamin hinggil sa naturang panahon ng Kapaskuhan, at kung bakit nagpapadala ka ng Christmas card sa naturang tao.


5. Pumili ng estilo ng pagsulat para sa iyong gagawing cards. Bagamat, mahabang oras ang kailangan, ang isang handwritten Christmas card ay higit na personal ang dating kaysa sa tinipa sa computer o sa cellphone na sulat. Kung ang iyong pagbati ay sobrang haba, o marami kang dapat na isulat, ang isang sulat kamay na card ay posible. Pagkaraan ay isama ang handwritten signature at gamitin din ang sulat-kamay sa sobre.

6. Maglagay ng ekstra sa iyong Christmas card. Isang bagong family portrait, wedding photos at larawan ng bagong tahanan ay maaaring magustuhan ng sinumang makatatanggap ng iyong cards. Kung mayroong salu-salo ng pamilya, dahil bawal pa ang pagsasama-sama ay magpakuha na lamang ng litrato o kaya ay video at ipadala ito chat messenger ng social media.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page