top of page

Tips para sa da best Valentine’s Day kay labs

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 14, 2021




Higit umanong masarap na damhin ang tunay na kahulugan ng Valentine's Day sa bawat isa kahit na walang mga materyal na mamahaling regalo na sa isang simpleng gesture tulad ng love poem, ang koleksiyon ng mga larawan ninyo noong first date ninyo ay sobrang nakaka-touch kay labs at parang laging nasa alapaap ang kanyang pakiramdam kapag ganito ang natanggap niya.


1. LOVE POEM. Ipadama ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa pamamagitan ng love poem. Ipahayag ang damdamin sa pamamagitan ng mga salitang sasabihin sa minamahal kung paano mo siya tsine-cherish. Kung nahihirapan kang magsimula, puwedeng “humiram” ng ilang mga linya mula sa online.


2. GUMAWA NG PLAY LIST NG LOVE SONGS na nagpapahayag ng iyong damdamin para sa partner. Punuin ang kanyang iPod o cellphone o mag-burn ng isang CD ng Valentine’s Day CD mix ng sweet at love song para sa kanya o kaya naman ay mag-upload sa social media o sa YouTube.


3. BIGYAN SIYA NG ROMANTIKONG HAPLOS. Mainam ang isang senswal na masahe, kasunod ng isang scented bath na pinuno ng mga talulot ng rosas ang tubig at may mga scented candles sa paligid na isang ekspresyon na iyong kailangan para maipadala sa kanya ang iyong damdaming umiibig para sa partner ngayong Valentine’s Day.


4. MAGBUO NG SCRAPBOOK O ALBUM NG MGA MAKAHULUGANG LARAWAN. Humanap ng mga larawan mula sa espesyal na mga oras at pagkakataon at masasayang panahon na inyong pagsasama bilang masasabing one-of-a-kind gift mula sa’yong puso ngayong Valentine’s Day. O kaya naman ay magpa-print ng malalaki nito, lagyan ng frame at idisplay ito sa kanyang dingding.


5. MULING GUNITAIN ANG UNANG DATE. Ipakita sa partner na muli kang nai-inlab sa kanya sa pagpunta ninyo sa lugar kung saan kayo unang nag-date. Isunod na rin ang dinner date pagkaraan ay manood ng pelikula online, iyong kauna-unahang movie na inyong napanood sa first date ninyo at asahan ang tawanan at kilig moments habang inaalala ang mga iyan.


6. PAGLUTUAN SIYA NG PABORITO NIYANG PUTAHE. Lalo na kung hindi maganda ang pakiramdam niya ay iyan ang da best na meaning ng Araw ng mga Puso para sa kanya. Sundan ng favorite dessert niya at drinks. O hindi ba panalo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page