top of page

Tips para mapangalagaan ang kapaligiran para maiwasan ang madalas na paglindol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 7, 2021
  • 2 min read

Updated: Jan 8, 2021

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 7, 2021




Nakakatakot ang panahon ngayon, lumalamig at biglang umiinit ang klima dito sa bansa, wala namang tigil ang lindol sa maraming dako ng bansa. Noong mismong araw ng Pasko ay isang malakas na lindol na naitala ang pagyanig sa 6.3 sa Calatagan, Batangas na malapit lamang dito sa Metro Manila. Bakit nga ba nagkakaroon ng madalas na paggalaw ang mundo? Huwag nating ilayo ang kasagutan, iyan ay dahil na rin sa matinding polusyon na bumabalot sa balat ng lupa!


Kumbaga sa tao, napupuno na siya ng dumi, sari-saring dumi, toxic at kemikal man! Pasong-paso na siya sa umiinit na klima kaya nag-aalburoto. Para tuloy naiisip kong hindi kaya magkatotoo na ang mga pelikulang disasters ang pawang mga tema o iyong tinatawag na Big One? At itong mga nagaganap na pag-uga sa mundo ay parang warm-up lamang.


Umpisahan na nating tulungan ang ating paligid ngayon na mabawasan ang polusyon. Dumarami tayo kaya dapat kapit-bisig tayong magtulungan kahit sa maliit na paraan na hindi tayo gantihan ng kalikasan sa susunod pang mga panahon sa pamamagitan ng kung anu-anong malalagim na kalamidad.

Wala tayong ibang kailangan kundi ang bawasan ang pagtatapon ng kemikal at iba pang nakalalasong bagay sa ating paligid. Maging responsable tayo sa ating paligid.


1. Iwasan nang sobrang pagsa-shopping. Mamili lang kung sadyang kailangan. Bilhin lang ang mga bagay na gagamitin. Iyong 1% na ating mga pinamili ay nananatiling nasa bahay pa rin naman sa loob ng anim na buwan. Ang iba ay ginamit at NAITAPON na.


2.Ang pinaka-berdeng bagay na iyong nabili ay iyong naging sarili o nagamit na. Hindi ito kailangan ng anumang resources para magawa at madalas na puwede itong gamiting pang-2nd hand items. Kailangan pa ng ilang pounds ng pesticides para umani ng sapat na cotton para sa isang bagong t-shirts (non-organic).


3. Kung may likod bahay kang naaarawan, may sapat na lupang pagtataniman, simulan na ang pagtatanim ng prutas at gumawa ng gulayan. Mahirap na kalkulahin ang dami ng gasolina na nagastos para lamang ibiyahe ang mga inaning gulay patungo sa merkado. Kung gusto pa rin talagang sagipin ang kapaligiran, kolektahin ang mga tubig na mula sa pinagbanlawan ng labada at ito ang gamitin bilang panlinis ng sahig, ng buong bahay, o kaya ay pampaligo ng mga alagang hayop at pam-flush ng banyo o panlinis na rin ng C.R. Ibaon sa lupa ng likod bahay ang lahat ng mga natirang pagkain at tiyak na magiging pataba pa iyan sa lupa. Good job!


4. Ngayong nasa kirikal na antas na ang tubig sa mga dams para mag-suplay ng kuryente, kung may kakayahan ang marami sa atin ay puwede nang mag-instala ng solar panel ang marami, tulad sa mga bulubundukin ng Kalinga at iba pang probinsiya sa Norte, gumagamit silang solar panel para pagkuhanan ng kuryente, matipid pa ito.


5. Tipunin ang mga plastic bags at huwag itong basta itatapon kung saan-saan dahil hindi ito nalulusaw at nakababara ito ng mga imburnal.


6.Gawin ang lahat ng iyong magagawa, makatipid lang at mailigtas ang naghihingalonga kalikasan.


7.Huwag isipin na kung hindi man nagagawa ng iba ay gayun ka rin, kung nasa puso mo ang pagtitipid at pagkonserba sa kalikasan at enerhiya, gawin mo na ngayon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page