top of page

Tips para makampante at makasurvive sa evacuation center

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 17, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 17, 2020



Tulad na lang ng nahatdang seryosong panganib, gaya ng nagdaang bagyong Ulysses, ang gobyerno ay hilong talilong ngayon sa kanilang hakbangin na ginagawa para sa malawakang evacuation ng maraming mamamayan sa buong rehiyon ng Luzon, mula sa National Capital Region hanggang sa lalawigan ng Rizal, Marinduque, Camarines, Isabela at iba pang mga karatig lugar na naapektuhan ng baha. Sa ganitong mga pangyayari, kailangang maging kampante habang sinisikap na maka-survive sa evacuation o sa anupamang mga kaso ng emergency.


  1. Manatiling alerto ang isipan. ang unang bagay na dapat isaisip at gustong maka-survive sa evacuation o emergency upang maiwasan ang magpanic.

  2. Manatiling bukas ang linya ng komunikasyon. Kapag ang isang page-evacute o emergency ay nangyari, ang pinakamainam na paraan ay magkaroon ng sapat na impormasyon sa broadcast media sa TV o maging sa radyo.

  3. Mag-stock na ng maraming suplay ng pagkain at iba pang pangunahing kailangan sa pinakamataas na parte ng bahay o sa sasakyan. Dahil hindi mo alam kung hanggang kailan tatagal ang pamamalagi ninyo sa evacuation area. Ang magkaroon na rin ng acces sa supplies ay napakahalaga. Ito ang mas madaling mabitbit sakaling mag-evacuate na, Bago pa lamang sumapit ang panahon ng tag-bagyo ay maghanda na ng mga ganitong bagay sa bahay.

  4. Magkaroon ng iba pang mga makakasama sa naturang lugar. Mahalaga na magkaroon ng malasakit para sa iba pang kaligtasan ng iba kung nais maka-survive sa evacuation o iba pang emergency.

  5. Gumawa ng paraan na maiwasan ang anumang pisikal na karamdaman sa iba pang miyembro ng pamilya sa komunidad. Lalo na ngayong panahon ng pandemya ay mahirap pa naman na magkasakit ang isa sa mga evacuees at magkakahawahan na ang lahat. Dahil sa matas na stress levels na nararanasan ng marami, pinatutunayan nito na mas mahirap mangyari ang bagay na ito kung iisipin.

  6. Tandaan na mag-concentrate sa anumang kailangan hanggang sa matapos ang emergency cases. Kung patuloy mong iisipin ang anumang mga masisirang properties o mananakaw na kagamitan ay ito ang makapagpapasira ng iyong konsentrasyon para sa numero unong prayoridad na dapat mauna ay ang personal na kaligtasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page