top of page

Tips para maiwasang mabiktima ng holdap sa kalye

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 2, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 2, 2020




Ang mabiktima ng mga holdaper ay nakatatakot at nakato-trauma. Bukod sa mawawalan ka ng malaking halaga ng pera, kagamitan, maging ng debit at credit cards, cellphones na lagi mong dala-dala, naroon na ang trauma ng biktima.


Kapag na-trauma ang biktima, wala nang lakas ng loob na lumabas pa ng bahay at gumala ang biktima dahil hindi niya alam kung ligtas pa ba siya sa kanyang mga pupuntahan.


Para maiwasang mabiktima ng nakawan sa kalye, heto ang tips.


1. Kausapin ang kapitbahay hinggil sa kaligtasan ng bawat isa. Mag-organisa ng epektibong crime prevention strategy sa buong komunidad para mas maingatan ang lahat.Lahat sila ay tiyak na biktima na rin ng holdap o nakawan. May mga nagreklamo na rin sa kanila sa pulisya pero hindi naman nabigyan ng pansin o hustisya. Tatandaan ninyo na malas sa negosyo ang palagiang nababalita na laganap ang mga nakawan o holdapan sa inyong kalye o barangay. 2.Sumulat sa lokal na pulisya sa lugar hinggil sa talagang problemang kinakaharap ng mamamayan sa laganap na nakawan at holdapan sa lugar at saka ito lagdaan ng nakararami.


3. Maglagay na ng CCTV upang makilala ang mga masasapol ng camera. Bukod diyan ay magtalaga ng mga tanod sa lugar. Bantayan ang mga taong kahina-hinala sa inyong kapitbahay. Maglagay ng mga signs kung saan madalas na may nabibiktima ng holdap o nakawan para mas maging alerto ang mga mamamayan. Marami sa holdaper, magnanakaw o isnatser ang nakatira sa malayong lugar. Madi-discourage naman ang mga kriminal na gumawa ng kalokohan sa lugar kung magbibigay kayo ng babala para sa bawat mamamayan.


4. Magkaisa na rin na magtalaga ng street patrol sa lugar. Ang mga miyembro ay puwedeng mag-patrol sa sidewalks sa lugar suot ang mga t-shirt na may tatak bilang tanod. At least sa ganitong aktibong paraan maiiwasan ma magplano pang mambiktima ang mga isnatser , magnanakaw o holdaper sa inyong lugar.


5. Linisin at ayusin ang kapaligiran. Ayon sa pag-aaral, ang mga kriminal ay mas gustong naglalagi sa maruming lugar o abandonadong mga tahanan.


6. Makipag-usap sa chief of police sa lugar at magrequest na maglagay sila ng patrol car para magsilbing panakot sa mga kriminal. Ihanda ang sulat para sa meeting ng mga magkakapitbahay para sa anumang kahilingan na pinagkaisahan. Handa namang makipagtulungan ang pulisya sa mga taong magkakaisa.


7.Mag-alaga ng matapang na aso na puwede kang protektahan, kung nag-aalala ka na maging biktima ng kriminal na kalye. Mas mainam na magsama ng aso, maliit man o malaki dahil hindi ka kahit paano mabibiktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page