Tips para maituro sa bata na masama ang mam-bully
- BULGAR

- Sep 30, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 30, 2020

May mabigat na kaparusahan sa ngayon ang mga mapatutunayang nam-bully sa kanyang kapwa. Ayon sa ulat, hindi lamang ang panunukso at pananakot sa isang tao ang siyang makukulong kundi maging ang mga manlalait na rin sa mga may kapansanan, bading, tibo, pangit, etc ay bibigyan ng kaukulang parusa kapag napatunayang nam-bully ito.
Kaya ngayon pa lang pag-aralan nang maging disiplinado ang ating mga dila, hindi lamang ang mga nakatatanda sa ngayon, kundi ang mga bata habang nasa kapaslitan pa lang ay turuan nang maging kontrolado ang kanilang mga sarili at kaisipan na mananakit ng loob sa kanilang kapwa.
Ang pambu-bully ay isang seryosong problema na rin sa mga bata kung kaya dapat ay ituwid na kaagad ito.
1. Ngayon pa lang, magtatag na ng isang anti-bullying leadership program. Habang nasa preschool at elementary school, magtatag ng isang in-school at anti-bullying program na magtuturo sa mga bata kung ano ang mga bagay na katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap na ugali na dapat habang nasa paaralan. Ang programa ay maging isang on-going in-school activity o kahit sa online activity dahil may pandemya ngayon kung saan ang mga bata ay maaaring makalahok makaraan ang mga aralin. Ipahayag kung ano ang bully at kung anong ugali ng pambu-bully na masama at iba pang kauri nito. Hindi nawawala ang pambu-bully, hindi kaaya-aya at nakasasama ng ugali para sa iba pang mga guro at estudyante. Ang ugali ay maaaring pisikal o silolohikal at nangyayari ito habang nasa iskul pagkauwi o maging sa internet. Ang mga uri ng pambu-bully ay katulad ng pananakot, pang-iinis, pagsunod, pagnanakaw, hindi kaiga-igayang panunukso, pangmamaliit sa pagkatao o pangha-harass sa relihiyon.
Upang maiwasan ang pambu-bully, ipaliwanag ang karakter ng liderato. Ipaliwanag kung paanong ang isang bata ay maging lider sa kanyang mga kaklase maging sa kanyang komunidad.
Sa buong taon, tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang reaksiyon kung bakit nga ba binu-bully ng ibang bata ang ibang estudyante. Tanungin sila kung ano ang kasapitan nito sa buhay ng isang bata bukod sa iba pang kapwa estudyante at guro.
2. Magpakitang halimbawa sa mga estudyante. Ipaarte sa mga bata ang isang sitwasyon ng pambu-bully. Hikayatin ang bawat bata na magkomento kung ano ang mangyayari sa magkabilang-panig, maging ang kanilang nararamdaman matapos na ma-bully.
3. Ipamulat ang bata sa pakikisama sa iba’t ibang ugali ng kanyang mga kaklase at mag-adjust sa kanyang buhay bilang estudyante. Isang rason kung bakit ang bata ay hindi naiintindihan ang kaibhan niya at ng iba pang kaklase sa buhay, hitsura at estado ng buhay ng mga ito kung kaya nagiging matindi ang kanyang depensang mekanismo. Gawing ang pag-aaral ay maging isang multi-cultural environment. Ipaliwanag sa estudyante ang iba’t ibang mga pinagmulang probinsiya at ugali, tradisyon at kultura ng kani-kanyang mga kaklase. Maging ang kaibhan ng ugali ng bawat isa sa tahanan. Ipamulat din sa kanila ang kaibhan ng pagkain ng iba at ipaliwanag kung bakit ganoon at ganyan ang kakaiba niya sa kanyang mga kaklase, lalo na iyong may mga kapansanan. Ituro sa sa kanya ang pagtanggap at hindi na lamang pagpansin maging ang pagpapakita na ang kaibhan ng bawat isa ay ayon na rin sa kani-kanilang kinamulatan buhat noong mga bata pa sila.
4.Kailangang makiisa ang mga magulang. Magkaroon ng anti-bullying campaign para sa mga magulang. Imbitahin ang mga magulang at mga mag-aaral para sa isang araw na meeting para maikampanya ito. Hilingin din ang mga lokal na child psychologist at maging mga awtoridad na maging mga tagapagsalita at magbigay ng mainam na mga payo. Kunin din ang mga sikat na celebrities na puwedeng makipag-usap sa mga magulang at mga bata hinggil sa kanilang mga karanasan sa pambu-buly. Habang idinaraos ang anti-bullying campaign, magpadala ng mga informative materials sa mga magulang na maaaring magamit bilang references. Itiyak sa mga magulang na magiging ligtas sa iskul sakaling magbukas na ang klase at maipatutupad ang anti-bullying campaign sa loob ng iskul at tanungin kung anong patakaran ang kanilang paiiralin para mas maging ligtas at maging ang iba pang mga bata para hindi magng tagapanguna sa pambu-bully sa iba pang mga bata.
5. Isama ang anti-bullying sa website ng eskuwelahan o kaya ay sa pamamagitan ng isang newsletter. I-update ang mga balita sa school website o newsletter kada buwan para sa bagong mga impormasyon kung paano maiiwasan ang pambu-bully. Isama na rito ang mga references at hotline numbers pareho sa mga magulang at mga estudyante na madaling matawagan at makausap. Isang ehemplo ay kabilang ang tips sa mga estudyante kung paano at bakit hindi dapat na mam-bully ang isang bata.








Comments