Tips para kayanin ang pagiging pintasera o pakialamera ni lola
- BULGAR

- Sep 4, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 4, 2020

Kailangan mo bang malaman kung paano matatanggap ang pagiging nagger ni lola o ang kanyang pagiging dalahira o pintasera maging ang kanyang pagiging mapagpuna sa lahat ng bagay? Parang parehong nakakairita at nakalulungkot na mayroon kang lola na sa lahat ng oras ay nariyan para lamang mamuna sa mga apo niya. Heto ang ilang tips para matulungan ka na maging mapagpasensiya sa matatanda.
Ituring na ang pagpuna na iyan ay isang positibo hangga’t kaya mo. Madalas ka ba niyang punahin sa iyong timbang? Sinasabing masyado ka raw payat o mataba? Madalas ba niyang iniiling ang kanyang ulo kapag napapansin niya ang pananamit mo lalo na kung sumusunod ka lamang sa uso o pagiging moderno mo? Siguro paminsan-minsan din pati na ang iyong pagkain o pagsubo ay kanya na ring napapansin at kung ano ang mga dapat mong ehersisyuhin, o kung sinu-sino na ang mga kaibigan na dapat o hindi dapat na tanggapin. Ano ba ang eksakto na kanyang sinasabi sa iyo magkaminsan?
Pag-isipan kung ang kanya ba talagang ganyang ugali ay matagal na. Kung madalas ka niyang imbestigahan kung gaano karami ang kinain mo at ano na ang timbang mo. Gayunman, kung pinupuna ka niya hinggil sa pagtalikod mo sa pagkain habang may mga bisita, malamang na ugali na niya ang ganyan.
Isipin na ang ginagawa niyang iyan ay matagal na niyang ugali. Kung binabantayan niya ang iyong timbang, malamang na nais niyang ingatan ang iyong pagkain at kalusugan. Maaaring ‘di niya sadya na punahin ang naturang paksa, pero ito na rin ang sadyang makatutulong sa iyo.
Tanggapin ang responsibilidad kung ang ugali mo naman ay di katanggap-tanggap. Minsan ang pagpuna ay isa ring magandang rason, kung parati ka naman kasing nangangako dapat kang magbago.
Lawakan ang isipan kung nadidismaya. Kung nakapagsusuot ka man ng maigsing damit na kaharap siya pero iniisip niyang nasasagwaan siya, hayan at nakikialam na nga. Kailangang ipaliwanag mo nang maayos na marunong ka kamong mag-ingat sa iyong kasuotan at sabihing uso na ngayon iyan at mas marami pa kamo sa mga kabataang gaya mo ang nagsusuot ng mga ganyang damit. At sabihin mong magbabago ka lang kamo ng kasuotan kapag nasa edad 40 ka na!
Magpatawad at kalimutan. Hindi mo maiwasan talaga na mamuna ang lola, pero hindi mo dapat ito damdamin. Matanda na sila at maaaring masyado lamang talagang mapag-obserba kahit sa maliit na maliit na bagay lang. Kung nag-aalala ka hinggil dito, tanungin ang sariling magulang, mga kabigan o kung sinuman ang pinagtitiwalaan mo kung tama ang iyong lola.
Ganito na lang ang gawin. Iwasan na lamang ang lola sa ilang pagkakataon. Kung pinupuna niya ang iyong ugali sa pagkain, magpatiuna ka na minsan sa pagkain o kaya ay magpahuli para ‘di siya makakasabay. Puwede mo ring dalhin ang pagkain sa loob ng iyong silid.
Huwag na huwag kang mamumuhi sa iyong lola. Maaaring di rin siya gusto ng iyong magulang, pero alam niya kung saan ka nakatira, maliban lang kung nakatira ka sa Africa, hahantingin ka niya at magagalit siya.
Kung sumisigaw siya sa nanay mo at naiirita naman ang iyong ina, hayaan mo lang sila. Puwedeng isang linggo kang mainis, matatapos din iyan, kailangang palampasin mo na lang kung ayaw mong maging malungkot.
Kung makakausap mo lang ang iyong lola, kung duda ka habang binabasa mo ito, sabihin mo sa kanya kung ano ang iyong nararamdaman. Pero sikapin na hindi ka makikipagsigawan sa kanya.
Kung siya ang uri ng lola na parating nakasimangot at parang namumuhi sa iyo, ipadama mo pa rin sa kanya kahit paano na marunong kang ngumiti at kumausap nang magalang sa kanya. Pero kahit paano kung mawala man siya sa mundong ito, maalala mo ang mukha niyang ganyan.
Siya ang lola na kailangan pa rin na bigyan ng tribute kahit na noong nabubuhay siya ay ayaw niyan nireregaluhan siya o gumagastos ang lahat. Kung ito ang kaso, wala nang halaga kung maglaan man ng ilang oras at ilang libo para lang siya bigyan ng perpektong regalo. Siguro isang blouse lang na bargain tama na sa kanya. Puwede mo sigurong subukan na kahit di na magbigay sa kanya. Kung nag-aalala ka na baka ka niya saktan, magsabi na agad sa iba pang nakatatatanda at para alam nila.
Kung anuman ang iyong gagawin, baka naman magalit sa iyo ang parents mo. At baka magsumbong naman iyan sa magulang mo at sila naman ay magalit sa iyo. Malapit na ang Grandparents Day, kaya nag-iisa lang siya sa buhay mo bilang lola, tanggapin, mahalin at igalang siya.








Comments