top of page

Tips para 'di masobrahan ang bata sa paglalaro ng video games

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 3, 2021




Nakalulungkot ang nakita nating isang viral post ng isang magulang kung saan ang kanyang musmos na anak ay naging malubha ang bell's palsy o iyong hindi makontrol na pagpikit-dilat ng kanyang mga mata, hindi makatulog at hindi makakain ang bata dahil dito. Hinala ng kanyang ina ay dahil sa hindi nakontrol ang bata sa maghapon at magdamag na pagbababad sa computer o video games.


Kapag sinabi mo kasing tama na ang panonood ng TV, tiyak sa computer naman haharap ang bata. Parehong nakakaadik sa bata ang dalawang screen na iyan.


Mayroon pang ilang mga kaso na namatay ang bata dahil sa pagbababad sa computer games, ang American Academy of Pediatrics ay nagrekomenda na lamang ng 1 hanggang 2 oras na TV programming , kabilang na ang screen time sa computer.

Ang paglimita sa oras sa computer ay ginagamit para lamang sa educational purpose at mga school work.


1. Ilagay ang family computer sa isang karaniwang lugar kung saan namomonitor ang bata.


2. Sumang-ayon sa araw-araw na limitasyon para sa computer use, parehong sa school work at entertainment. Ipaliwanag na ang computer ay hindi dapat gamitin para sa games o social media surfing hanggang sa ang homework at gawain ay nakumpleto na sa isang araw. Magtakda ng espesipikong oras, tulad ng isang oras, kapag gagamit na ang bata ng computer para sa games o websites.


3. Magtakda ng time limits na kailangan. Ang games at website ay dapat nang i-off sa pagtakda ng timer.


4. Tulungan ang bata na matuto ng computer efficiency tulad ng tamang pagtitipa at key padding. I-bookmark ang favorite sites niya para hindi siya makapunta sa ibang web address. Lagyan siya ng index card para sa avatars at passwords sa bawat site.


5. Mag-surf online na kaharap ang bata para maturuan siya ng internet etiquette.


6. Kailangang turuan ang anak sa computer lalo na’t lumalaki ang bata. Ipaliwanag na ang kanilang gagawin at titingnan sa computer ay naka-monitor.


7. Ipagbawal siya na magkaroon ng chatmate. Ipaliwanag ang peligro ng pakikipag-chat sa kahit sino para maintindihan niya ang panganib. Hikayatin sila na na maging alerto sa anumang nakasususpetsang mga taong makikipag-chat sa kanila.


8. Hikayatin siya na may ugaliin ang sports activities at iba pang hobbies at kung maaari magkaroon ng maraming magagamit na bagay para mas mahirati siya sa sports kaysa ang magbabad sa computer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page