top of page
Search
BULGAR

Tips kung paano i-handle ang toxic na workmates

ni Mabel G. Vieron @Life & Style | August 3, 2023



Marami sa atin ang namomroblema sa kani-kanyang mga katrabaho na “TOXIC” and yes mga ka-BULGAR, ‘di natin ito maiiwasan. Wala na sigurong tatalo sa stress na dala ng mga taong toxic, am I right? ‘Yun bang maging ang reklamo at issues nila sa buhay ay paulit-ulit at nakakabaliw na.

So, narito ang ilan sa mga tips kung paano natin ito iha-handle upang ‘di natin ma-absorb ang kanilang negative energy.

  1. HUWAG MO SILANG SABAYAN. Kapag kasi sinabayan mo ang kanilang init ng ulo at pagka-toxic, aba parang wala ka na ring pinagkaiba sa kanila, para mo na ring pinatunayan na isa ka sa mga toxic. Kaya beshie, sinasabi ko sa iyo huwag na huwag mo silang papatulan.

  2. IWASAN MO SILA. Ang gawin mo ay hayaan mo silang magmukhang tanga kakasalita, mabuti na rin ‘yung umiwas ka para ‘di na mas lalo pang lumaki ang gulo. Ignore them, pero kung may kinalaman sa trabaho n’yo be professional pa rin, pero ‘pag ‘di ka kinakausap mag-pretend ka na lamang na ‘di mo sila nakikita.

  3. HUWAG KANG MAGPAPAAPEKTO. Positive man ‘yan o negative. Usually, may hidden agenda ‘yan. It's either may hihilingin ‘yan sa iyo o iinsultuhin ka. Dedmahin mo lang kasi kung magpapaapekto ka, ikaw lang din ang kawawa, mental health mo pa rin ang iyong unahin at intindihin, okie?

4. LAWAKAN MO ANG IYONG PANG-UNAWA. Ang katulad niya na bitter ay ‘di na dapat pinapatulan pa, bitter siya sa buhay, trabaho at love life niya, kaya gusto niyang ipasa sa iyo ang mga kamalasan at problema sa buhay niya.

Pagpasensyahan mo na lang siya, besh! Hindi rin naman madaragdagan ang iyong suweldo kung iintindihin at magpapaka-stress ka sa mga sinasabi niyang wa’ naman kuwenta. Hay naku, kaya sinasabi ko sa’yo ‘wag na ‘wag n’yo silang papatulan, sayang ang beauty at skin care natin noh!

Sa mga ‘di pa aware r’yan sa mga toxic na tao, gumising ka! Dahil ‘di oks na malason niya ang iyong kaisipan. Whether you like it or not, you have to live with them, lahat siguro ng trabaho ay ‘di nawawala ang toxic na workmates, pero malay mo baka isang araw, magbago rin sila? Pero ngayon tanggapin mo na lang muna na ganu'n talaga sila.


Okie?!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page