top of page
Jasmine Curtis-Smith - IG.jpg

Tinuruan ng ina... Robin, 10-anyos pa, sanay na sa baril

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 4, 2026



Robin Padilla sa San Jose National High School na pinangyarihan ng pamamaril ng 2 setudyante - FB

Photo: Robin Padilla / FB



Binalikan ni Senador Robinhood Padilla ang kanyang karanasan noong bata pa siya sa Baguio, kung saan maaga siyang naturuan ng kanyang ina na maglinis, mag-load, at mag-unload ng shotgun upang maiwasan ang aksidente.


Sa isang Facebook post, sinabi ni Padilla na sinanay silang magkakapatid na maging pamilyar sa baril dahil noo'y dumarami ang insidente ng akyat-bahay sa kanilang lugar.


Ibinahagi rin ng senador na naging biktima siya ng gang, fraternity, tribal issues, at bullying noong kabataan niya, ngunit iginiit niyang hindi niya kailanman naisip na gamitin ang shotgun ng kanyang ina laban sa mga nambu-bully o mga kaklase.


Ayon kay Padilla, nauwi lamang noon sa suntukan o rambol ang mga away, kahit aniya ay umaabot minsan sa serious physical injuries kapag may naiiwan o nako-corner sa gulo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page