top of page
Search
BULGAR

TikTok, pang-online sellers lang kaya o pang-vlog ni P-BBM?

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 20, 2023


NAGPANALO KAY EX-P-DU30 NOONG 2016, MGA DDS HINDI MGA PULITIKO, KAYA MILYUN-MILYONG DDS DIN ANG MAGPAPANALO KAY VP SARA, HINDI PARTIDO NG MGA PULITIKO -- Noong May 19, 2023 ay kumalas si Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio sa partidong Lakas-CMD na pinamumunuan ni Speaker Martin Romualdez, at ayon sa kanyang ama na si ex-P-Duterte ay kahit daw walang partido ay mananalo ang kanyang anak (VP Sara) kapag tumakbo itong presidente sa 2028 presidential elections.


Marahil, ang nais ipunto rito ni ex-P-Duterte na kahit kaunti lang na mga pulitiko ang sumuporta kay VP Sara ay mananalo itong presidente kasi naman hanggang ngayon ay milyun-milyon pa rin ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS). At nangyari na iyan kay ex-P-Duterte, na hindi mga pulitiko ang nagpanalo sa kanya noong 2016 presidential elections, kundi ang milyun-milyong DDS sa ‘Pinas, period!

◘◘◘


PAGBANAT SA KAMARA, INUMPISAHAN NA NI EX-P-DUTERTE -- Sabi ni ex-P-Duterte, ang project o pera raw na nakukuha ni ACT Teacher partylist Rep. France Castro sa Kamara ay ibinibigay umano nito sa komunistang New People’s Army (NPA).


Talagang palaban na si ex-P-Duterte, kasi ang ibinulgar na ‘yan ng ex-president ay pagpapatunay na totoong tutuparin niya ang sinabi niyang magiging oposisyon siya ng Kamara, babantayan niya ang mga pinaggagawa ng mga kongresista sa Kamara, boom!


◘◘◘


PAKIKIPAG-PARTNER NI P-BBM SA TIKTOK SANA TOTOONG PANG-ONLINE SELLERS AT HINDI PANG-VLOG NG VLOGGER NA PRESIDENTE -- Ayon kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay nakipag-partner na raw ang kanyang administrasyon sa TikTok para raw matulungan ang mga maliliit na online seller na mai-promote sa social media ang kanilang mga ibinebentang produkto.


Kung talagang para lang ‘yan sa mga Pinoy online sellers ay good ‘yan, pero kung pati ang mga vlog ni P-BBM, dahil nga siya ay vlogger din, at malalagay ito sa TikTok ay bad ‘yan kasi baka mag-enjoy ang Presidente sa kati-TikTok at mapabayaan niya ang kanyang mandato bilang pangulo ng Pilipinas, period!


◘◘◘


PROMISE DAW NI XI JINPING HINDI NA MAMBU-BULLY ANG CHINA SA WPS, PERO KAPAG NAM-BULLY ULI, IBIG SABIHIN INUNGGOY LANG NG CHINESE PRESIDENT ANG PRESIDENTE NG ‘PINAS -- Sinabi ni P-BBM na nangako raw sa kanya si Chinese Pres. Xi Jinping na hindi na mauulit ang mga pambu-bully ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) at sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS).


Sana nga totoo ang sinabi ni P-BBM, kasi kapag nam-bully at nang-harass na naman ang CCG sa PCG at sa mga mangingisdang Pinoy, isa lang ibig sabihin niya, na “inunggoy” lang ng presidente ng China ang presidente ng ‘Pinas, boom!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page