Tigresses sinagpang ang Lady Blazers sa SSL Invt'l
- BULGAR
- 4 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 21, 2026

Photo: Matinding atake ang pinakawalan ni Angeline Poyos ng UST Golden Tigresses sa harap ng depensa ni #20 Arianna Pua ng De La Salle University sa mainitang aksyon ng 2026 National Invitationals Rising Stars Elite, Global Stage Collegiate Division games sa Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Sports Complex. Tinalo ng UST ang DLSU sa 4 sets 22-25, 15-25, 25-15, 12-15. (Reymundo Nillama)
Mga laro ngayon
(Ninoy Aquino Stadium)
1 p.m. - Enderun vs CSB
3 p.m. - Letran vs UST
5 p.m. - Southern Storm vs HCM
Kumalmot ng panibagong panalo ang University of Santo Tomas Golden Tigresses na lubos na ipinakita ang dominasyon sa 4th set mula sa mainit na birada ni Marga Altea upang patumbahin ang five-time NCAA titlist De La Salle-College of Saint Benilde Lady Blazers sa 25-22, 25-15, 15-25, 25-12 para sa ikalawang sunod na tagumpay, kahapon sa 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals sa Ninoy Aquino Stadium.
Kumana ng 7 sa 3 tatlong aces, ang 3rd-year spiker/middle blocker sa 4th set upang tuluyang ibaon ang Lady Blazers kasunod ng matinding atake sa 3rd frame. Nakaagapay ng 6-foot-0 outside spiker at net blocker ang beteranong si Angge Poyos na pumalo ng 15 puntos kasama ang 7 digs at 4 receptions.
Nag-ambag naman para sa Espana-based lady squad si middle blocker Avril Bron sa 10 marka para idagdag sa kabuuang 44 atake, subalit kinakitaan ng panibagong problema sa errors sa kabuuang 29, kasunod ng 25 laban sa Enderun Colleges, sa kompetisyong suportado ng Shakey’s Pizza Parlor at Peri-Peri Charcoal Chicken.
Naging sandalan si Altea sa 4th set, kasunod ng matamlay na 3rd set, para tuluyang kontrolin ng UST ang laro at itala ang 21-10 na bentahe, bago tapusin ito ng 4-1 blast na atake mula kina Altea, Bron at Poyos.

