top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Tig-P5 M sa Marikina at Montalban…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2020
1 min read

WILLIE, IBINENTA ANG KOTSE NANG P7 MILYON PARA I-DONATE SA MGA BINAHA

ni Nitz Miralles - @Bida | November 15, 2020




Tigpa-P5 million ang donation ni Willie Revillame sa Marikina at Montalban dahil ang dalawang lugar ang mas naapektuhan ng Bagyong Ulysses.


Para maka-generate ng mabilisang cash, ibinenta ni Willie ang kanyang Range Rover for P7 M at dinagdagan na lang niya ng P3 M para umabot ng P10 M at hati nga ang Marikina at Montalban.


Sabi nito, “Aanhin ko ho ‘yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa ako ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time.”


Nauna nang nagbigay ng P5M si Willie sa Catanduanes at kung naalala n’yo, nagbigay din siya ng P5 M sa mga jeepney drivers na naapektuhan ng Covid-19. Maliban sa P5 M na kanyang ibinigay, marami pa siyang natulungan na aabot na rin sa milyones.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page