Thailand flights, itinigil dahil sa Egyptian na ‘di sumunod sa self-quarantine
- BULGAR

- Jul 15, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 15, 2020

Sinuspinde ang lahat ng inbound flights sa Thailand nitong Martes, July 14, matapos lumabag sa self-quarantine protocol ang isang Egyptian soldier at nagpunta pa sa shopping mall bago napag-alamang positibo ito sa COVID-19.
Nagsasagawa na ng contact tracing ang awtoridad at tinatayang nasa 1,700 katao ang nasa mall nang maganap ang insidente.
Ayon kay Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha, "It happened because people did not respect the rules.
"All inbound flights are halted – there are no more approvals until we can solve the problem."





Comments