ni Angela Fernando @News | Oct. 24, 2024
File Photo: Robert Ace Barbers at Dan S. Fernandez - FB
Nagpahayag si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lider ng House Quad Committee (QuadComm), nitong Huwebes na pinag-aaralan nila ang paghahain ng panukalang batas na magpaparusa sa mga abogadong tumutulong sa mga testigong binabawi ang kanilang testimonya.
"We anticipated 'yung recantations kasi nangyayari na 'yan, kasi madalas nang nangyayari at nagiging kultura na," saad ni Barbers. Ipinaliwanag din ni Barbers na kapag ang isang indibidwal ay gumagawa ng sinumpaang salaysay ay tinutulungan ito ng isang abogado.
"Siya ay susumpa sa lawyer na lahat ng kanyang isinulat at sinabi ay mga pawang katotohanan lamang. And because of this, there's a semblance of perhaps liability also na tinitingnan namin na maaaring gawing panukalang batas na dapat meron ding criminal liability 'yung mga nag-assist na mga lawyer kasi sinumpaan sa kanila na totoo 'yan at later on magre-recant sila," saad ni Barbers.
Nilinaw ni Barbers na isa sa mga panukalang maaaring isulong ay ang pag-amyenda sa batas sa perjury kung saan sinang-ayunan naman ni QuadComm co-chair at Laguna Rep. Dan Fernandez.
Comments