top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

Termite Gang, strikes again... ATM ng EastWest bank, nilimas

Writer: BULGAR
BULGAR
37 minutes ago
1 min read

ni Levi Gonzales @News | September 16, 2026



ATM ng Eastwest Bank nalimas ng Termite Gang - Ylou Dagos FB

Photo: Ylou Dagos / FB



Pinaniniwalaang mga miyembro ng “Termite Gang” ang nasa likod ng panloloob sa ATM ng EastWest Bank sa Brgy. Poblacion, Candelaria, Quezon.


Natuklasan ng mga empleyado ng bangko ang insidente alas-8:30 ng umaga noong Lunes, September 14, pagpasok nila sa trabaho.


Ayon sa pulisya, naghukay ang mga suspek mula sa isang open drainage patungo sa ilalim ng ATM booth at binutas ang sementadong sahig upang makapasok. Gumamit umano sila ng drill para mabuksan ang ATM at tinangay ang laman nito.


Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Candelaria MPS sa pangunguna ni PLt. Col. Jephté F. Banderado, para sa imbestigasyon at posibleng pag-aresto sa mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page