top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Teenagers nadale na rin ng HIV

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | March 15, 2023


Nakakabahalang nakapagtala na sa bansa ng mga teenager at mga bata na tinamaan ng human immunodeficiency virus (HIV).


Batay sa Department of Health (DOH), mula sa kanilang latest HIV/AIDS Registry of the Philippines, nai-report na 86 Pilipino na edad 19 at pababa, ay na-diagnose na may HIV noong Enero 2023.


Sa kabuuang mga kasong ito, 79 ay mga adolescents na nasa edad 10 hanggang 19, habang 7 naman ay mga bata na wala pang 10 taong gulang.


Halos lahat ng nai-report na adolescent cases ay nakuha ang HIV sa pamamagitan ng sexual contact, maliban sa isang kaso na walang data sa naging mode of transmission nito.


Ayon sa DOH, sa naitalang 78 HIV-infected adolescents, 65 sa kanila ay na-acquire ang impeksyon sa pamamagitan ng male-to-male sex, walo naman dahil sa pakikipagtalik sa parehong males and females, at lima sa pamamagitan ng male-to-female sex.


Kung pagbabatayan ang kanilang age bracket, sinabi ng DOH na may 57 o 72% ng mga kaso ay edad 18 hanggang 19, nasa 20 o 25% ay nasa 15 hanggang 17-anyos, at 2 o 3% ay nasa pagitan lamang ng 10-14 taong gulang.


Sa kaso ng mga bata na edad 2 hanggang 9, sa panahon ng kanilang diagnosis, na-acquire nila ang HIV sa pamamagitan ng tinatawag na vertical transmission o mother-to-child transmission habang ang isa ay walang data sa naging mode of transmission nito.


Una na ring nai-report ng DOH na may kabuuang 1,454 bagong HIV cases noong Enero 2023, at sa naturang bilang, lumalabas na may average na 46 bagong kaso ng HIV na naitatala kada araw.


Nitong 2022, naiulat din ng ahensya na may 21% na pagtaas sa bilang ng mga bagong HIV cases kumpara sa naunang taon.


Masaklap sa isang indibidwal na magkaroon ng katulad na HIV o AIDS dahil wala pang nadidiskubreng gamot laban sa naturang sakit.


Mas mabigat lalo ito sa mga kabataan na tamaan ng ganitong uri ng karamdaman.


Batid din natin na ang sakit na ito, bukod sa walang lunas ay ang unti-unting magpapahina at kalaunan ay papatay sa isang tao.


Marahil, nasa ating mga magulang din ang pagkukulang at napabayaan natin ang ating mga anak kaya nadale ng sakit. Kung naglaan sana tayo ng oras sa ating mga anak ay hindi mangyayari ito.



Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page