Tax pa more ang gobyerno makabayad lang ng utang ang 'Pinas
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 5, 2022
TAAS-PRESYO SA MGA PRODUKTONG PANG-NOCHE BUENA, APRUB SA DTI—Sinabi ni Asec. Ann Claire Cabochan ng Department of Trade and Industry (DTI), na habang papalapit ang Pasko ay patuloy pang magtataas ang presyo ng mga produktong pang-noche-buena.
Pambihira, imbes na ang ibida ng DTI ay bumababa ang presyo ng mga produkto, ang ibinibida pa ay dagdag-pahirap sa mamamayan na taas presyo.
◘◘◘
KAILANGAN NG GOV'T. ANG DAGDAG-TAX PARA PANDAGDAG-BAYAD SA UTANG NG 'PINAS—No choice ang gobyerno kundi iaprub nang iaprub ang taas-presyo na hirit ng mga kapitalista dahil kailangan ng pamahalaan ang dagdag-pondo para makabayad nang hulug-hulugan sa napakalaking utang ng Pilipinas na ayon sa Bureau of Treasury ay pumalo na sa P13.517 trilyon.
Kapag nagtaas ang presyo ng mga bilihin ay malaking tax ang napupunta sa gobyerno para may pandagdag-bayad sa utang ng Pilipinas.
◘◘◘
UTANG NG 'PINAS MULA 1898-2016 NASA P6.1 TRILLION LANG, UTANG NI DUTERTE SA LOOB LANG NG 6 YEARS, P6.6 TRILYON—Base sa pagsasaliksik ng Ibon Foundation, ang unang utang ng Philippine republic sa ilalim ng administrasyon ni former Pres. Emilio Aguinaldo noong 1898 ay P20 milyon, at sa mga nagdaang panahon ay nangutang na rin ang administrasyon nina former Presidents Manuel Quezon, Jose Laurel, Sergio Osmeña, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos Garcia, Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo, Noynoy Aquino, Rodrigo Duterte at Bongbong Marcos para matustusan ang serbisyo sa publiko, kaya nga sa ngayon ay pumalo na sa P13.517 trilyon ang utang ng Pilipinas.
Mula sa panahon ni Aguinaldo noong 1898 hanggang sa huling taon ng panunungkulan ni Noynoy Aquino noong 2016, ang naging utang ng Pilipinas ay umabot lang ng P6.1 trilyon.
At ang shocking sa isyung ito, nang bumaba sa puwesto si ex-P-Duterte noong June 30, 2022 ang iniwang utang niya sa bansa ay P12.79 trilyon, na ibig sabihin, sa loob lang ng anim na taon ng Duterte administration sa puwesto ay nakautang ito ng P6.9 trilyon.





Comments