ni Angela Fernando @News | August 14, 2024
Nagsampa ng kasong tax evasion nitong Miyerkules ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa tinanggal na Bamban Mayor na si Alice Guo sa Department of Justice (DOJ). Sinabi ni BIR Commissioner Romeo "Jun" Lumagui matapos magsampa ng kaso na hindi nakapagbayad si Guo ng P500k na buwis.
“Ito ay may kinalaman doon sa Baofu na corporation dahil kasi nakikita natin na sinabi niya na binenta daw niya ang shares niya dito sa korporasyon na ito. At nakita natin din na hindi bayad ang buwis patungkol dito sa pagtratransfer ng shares niya na ito. Kaya malinaw na malinaw na may kasong tax evasion itong transaction na ito,” sa Lumagui.
Ang iba pang mga respondent ay sina Jack Uy, ang taong binentahan ni Guo ng mga shares, at si Rachelle Joan Carreon, ang Corporate Secretary ng Baofu Land Development Inc. Mahaharap sila sa mga kaso sa ilalim ng Section 254, Section 255, at Section 25 sa ilalim ng National Internal Revenue Code.
Kommentit