top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Taumbayan, mas matutuwa kay P-BBM kung pabababain ang presyo ng bilihin kaysa mamigay ng food stamp

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 28, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 28, 2023


SA PANAHON NI LUSTRO SA DEPED, KAHIT P319-B LANG ANG BUDGET, NAPABUTI NIYA ANG EDUKASYON, PERO SA PANAHON NI SARA, MAY P848-B AT P150-M CONFI FUND PA SIYA, PERO KULANG PA RAW—Inanunsyo ni Vice President, Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio na kulang ang P848-B yearly budget ng DepEd para mapabuti ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.


Ganu’n? Aba, P848-B na nga ang kanyang budget sa DepEd at mayroon pa siyang P150 million confidential fund, pero kulang pa raw, gayung noong Aquino administration, ang budget lang ng DepEd sa ilalim ng pamamahala ni former Sec. Armin Luistro ay P319-B lang, wala pa siyang confidential fund, pero napagbuti niya ang sistema ng edukasyon sa bansa.


Hay naku! Itong si Sara, napaghahalatang mukhang walang alam na diskarte kung paano mapapabuti ang sistema ng edukasyon sa ‘Pinas, he-he-he!


◘◘◘


KUNG NAIS NI P-BBM NA MATUWA SA KANYA ANG SAMBAYANANG PINOY, PABABAIN NIYA ANG PRESYO NG BILIHIN—Hindi natuwa ang majority ng Pinoy sa inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM) na dahil sa mahal na presyo ng mga bilihin ay magbibigay daw ang gobyerno ng free food stamp para sa mahihirap na Pinoy.


Hindi talaga matutuwa ang taumbayan dahil baka hindi naman mga poorest of the poor ang makinabang sa food stamp kundi ang mga kamag-anak, kaibigan at supporters ng mga barangay officials at maaaring pagmulan pa ‘yan ng korupsyon.


Kung nais ni P-BBM na matuwa sa kanya ang buong sambayanang Pinoy, ipag-utos niya sa Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA) at Department of Trade and Industry (DTI) na pababain ang presyo ng mga produktong pagkain sa bansa, period!


◘◘◘


HIRAP MAKAHANAP NG TRABAHO ANG 69% NG PINOY, KAYA FAKE NEWS ANG IKINAKALAT NG MGA LOYALISTS AT DDS VLOGGERS NA MARAMING NAGKATRABAHO SA ‘PINAS—Sa latest survey ng SWS, 69% ng mga Pinoy ang nagsabi na mahirap maghanap ng trabaho sa ‘Pinas.


Patunay ang survey na ‘yan na fake news ang ikinakalat ng mga loyalists at Duterte Diehard Supporters (DDS) na marami na ang nagkakatrabaho sa ‘Pinas dahil marami raw investors ang pumasok sa bansa noong Duterte admin at ngayong Marcos administration, boom!


◘◘◘


HINDI LAHAT NG NIRI-RED-TAG NG NTF-ELCAC AY TERORISTA O KOMUNISTA—Inabsuwelto ng korte sa kasong human trafficking ang magkapatid na Lumad na sina Ismael at Mawing Pangadas na inakusahan ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mga terorista raw na nagri-recruit ng mga Lumad para sumapi sa komunistang grupo sa bansa.


Patunay ang desisyon na ‘yan ng korte na hindi lahat ng niri-red-tag ng NTF-ELCAC ay terorista o komunista, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page