top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tatum, bumira ng 51 puntos; Butler, naka-triple double

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 25, 2022





May bagong numero uno sa NBA Eastern Conference matapos talunin ng Miami Heat ang Los Angeles Lakers, 113-107, kahapon sa FTX Arena. Hindi nakasabay at binitiwan ng Brooklyn Nets ang liderato nang magwagi ang Minnesota Timberwolves, 136-125.


Sinayang ng Heat ang 66-40 lamang sa second quarter at biglang nagbanta ang Lakers, 107-111, sa shoot ni LeBron James at isang minuto ang nalalabi. Hindi na pinapuntos ng Miami ang LA at sinigurado ang buslo ni Caleb Martin na may apat na segundo sa orasan ang ika-30 panalo sa 47 laro.


Triple double si Jimmy Butler na 20 puntos, 10 rebound at 12 assist habang pumukol ng anim na tres si Duncan Robinson para sa 25 puntos. Nagtapos na may 33 puntos si LBJ, lagapak ang Lakers sa 23-24.


Nanaig ang mga kabataan ng Timberwolves laban sa mga beterano ng Nets at bumanat ng 25 puntos si Anthony Edwards at sinuportahan nina Karl Anthony Towns at D’Angelo Russell na parehong may tig-23 puntos para pantayin ang kartada sa 23-23. Nanguna sa Nets si Kyrie Irving na may 30 puntos subalit bumaba ang Brooklyn sa 29-17.


Hindi rin nakalapit sa liderato ang Chicago Bulls at ginulat sila ng pinakakulelat sa NBA na Orlando Magic, 114-95. Nagsama para sa 41 puntos ang magkapatid na Moritz Wagner at rookie Franz Wagner. Nakatakas ang Golden State Warriors sa huling hirit ng bisitang Utah Jazz, 94-92, at ituloy ang pag-akyat sa West.


Bumira ng tres si Bojan Bogdanovic na may 32 segundo sa orasan. Nagtapos na may 13 puntos si Stephen Curry at nagtala ng higit 10 puntos sa pangunguna nina Jordan Poole na may 20 at Andrew Wiggins na may 14 puntos.


Sa ibang mga laro, umapoy para sa 51 puntos at 10 rebound si Jayson Tatum at ibinuhat niya ang Boston Celtics laban sa Washington Wizards, 116-87. Nanaig ang Dallas Mavericks sa Memphis Grizzlies, 104-91, sa likod ng 37 puntos ni Luka Doncic.


Pinatahimik ng Atlanta Hawks ang Charlotte Hornets, 113-91, sabay nagbagsak ng 30 puntos si Trae Young. Hindi nagpahuli si Joel Embiid at nagtala ng 38 puntos sa 115-109 tagumpay ng Phildelphia 76ers sa San Antonio Spurs.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page