top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tatlong beses mang nabigo…Pang-apat na bf, sure nang makakatuluyan kaya tuloy ang kasal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 14, 2021



Dear Maestro,


May boyfriend ako, kaya gusto kong malaman kung siya na ba ang makakatuluyan ko? Sa totoo lang, tatlong beses na akong nabibigo sa pag-ibig at ang kasalukuyan kong boyfriend ay pang-apat na.


Gayunman, April 4, 1996 ang birthday ko at sa pagkakaalam ko, ako ay Taong Kuwatro (4), ibig sabihin ba nito, suwerte na siya sa akin at kami na talaga ang para sa isa’t isa?


Gayundin, compatible ba ang birth date naming April 4, 1996 ako at December 16, 1994 naman siya? Nagbabalak na rin kaming magpakasal sa susunod na taong 2022 kapag may ipon na kaming pera, maganda ba para sa amin ang taong 2022 para magpakasal?


Umaasa,


Rosanna ng Labuan, San Quintin, Pangasinan

Dear Rosanna,


Tama ang sapantaha mo, maaaring ang kasalukuyan mo nang boyfriend ang iyong makakatuluyan, sapagkat ang zodiac sign mong Aries ay eksakto namang ka-tugma ng zodiac sign niyang Sagittarius, kung saan ang Aries at Sagittarius ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy.


Samantala, hindi lang sa Astrology kayo tugma, sa halip, compatible rin kayo sa Numerology, sapagkat ang medyo weak na medyo strong, ibig sabihin ay ‘neutral number na four’ na maaaring magpaka-weak at maaaring magpaka-strong, depende kung paano mo gagamitin ang nasabing bilang ay tugma rin sa weak number na 7 ng boyfriend mo (naging 7 ang boyfriend mo dahil ang 16 ay 1+6=7).


Samakatuwid, kung kayo ang magkakatuluyan, may pangako ng isang maligaya, maunlad at panghabambuhay na relasyon.


Ang pag-aanalisang halos kayo na ang itinakda para sa isa’t isa ay pinapatunayan din ng bilang na apat (4), kung saan dahil siya nga ang ika-apat na seryosyo, totohanan at tunay na pag-ibig na dumating sa iyong buhay, dahil mapalad ka rin naman sa bilang na four, sa piling ng kasalukuyan mong boyfriend, nakatakda ka nang palarin sa pag-aasawa.


Bukod sa kulay na dilaw at berde, puwede n’yo ring isaalang-alang ang kulay na pula bilang motif o opisyal na kulay sa araw ng kasal at maaari ring ang nasabing tatlong mapapalad n’yong kulay ay gamitin sa pagde-design ng mga kulay na gagamitin sa inyong bahay kung sakaling may sarili na kayong tahanan.


Habang, ayon sa inyong Love Calendar, bukod sa taong 2022, mapalad din kayong magpakasal sa taong 2024, kung saan isaalang-alang ang buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, sa mga piling petsang 1, 10, 19 at 28. Dapat din namang ituon sa first quarter o sa full moon upang tulad ng papalaki at papabulas na buwan, maging patuloy din sa pag-unlad, pagbulas at paglago ang inyong pagmamahalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page