top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg

Tatay, nahulog sa abot-dibdib na baha, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

by BRT @News | August 20, 2026



Tatay inatake sa puso at nahulog sa baha sa Caloocan - Courtesy Brgy. 32, Caloocan, Circulated

Courtesy Brgy. 32, Caloocan / Circulated



Isang ama ang sinasabing inatake sa puso at nahulog pa sa abot-dibdib na baha sa Caloocan City. 


Mapanonood ang video ng mga residente na isinakay sa upuan ang lalaki para sagipin matapos na natagpuan nilang nakalubog sa baha at walang malay.


10 lalaki ang nagtulung-tulong ngunit pahirapan ang rescue dahil sumasalubong sa rumaragasang baha ang direksyon nila palabas.


Inilipat ang biktima sa rescue boat ng Brgy. 32, Caloocan at kalahating oras pa ang inabot bago makarating sa ospital, ngunit hindi na siya umabot nang buhay.


Ayon sa kaanak ng biktima, nag-panic sa baha ang kanilang ama, inatake sa puso at natumba sa hanggang dibdib na baha.


“Nerbiyoso po si Papa. So, siguro kahit naman po heart attack ‘yun, siguro po mas nabigyan ng chance 'yung father ko kung walang baha po noong time na ‘yun kasi mas magiging accessible po 'yung daan nang mas mabilis papunta sa ospital po,” ayon kay Gian Carlo, anak ng biktima.


Lumabas umano ng bahay ang ama para patayin ang circuit breaker.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page