Tatabo na naman ang mga ospital sa biglang taas ng COVID cases
- BULGAR
- Dec 6, 2022
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | December 6, 2022
TUMAAS ang bilang ng nagka-COVID.
Tatabo na naman ang mga “hospital”.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
MARAMI ang nagdududa sa datos na inilalabas ng DOH.
Para pagkatiwalaan sila ng publiko, ibisto nila ang proseso kung paano nila natatanggap ang datos.
◘◘◘
MAHALAGANG doblehin ng DOH ang awtentikasyon ng datos bago ilabas sa publiko.
At kung ano’ng proseso ang awtentikasyon ay dapat nilang ilantad sa publiko.
◘◘◘
SA hirap ng buhay, marami ang nang-i-scam at kinukumbinse ang ilang naulila o pamilya ng pasyente na ideklarang COVID victim ang kaanak kahit hindi naman talaga.
Maraming testimonya ang lumitaw kaugnay ng “pekeng COVID victim”, pero hindi iniimbestigahan.
◘◘◘
ISA ring pinagdududahan ay ang “pananakot” upang bilhin ang mga gamut o bakuna kung saan nagkakamal ng milyun-milyong piso ang mga drug companies.
Pero kung ilalantad ng DOH ang proseso ng awtentikasyon sa mga datos na tinatanggap nila—aba’y maaaring maibalik ang tiwala ng publiko.
◘◘◘
TALAMAK sa Pilipinas ang korapsyon, partikular ang purchase at disbursement, pero hindi inilalantad sa publiko ang proseso.
Hindi lang ang “cash flow” ang dapat ilantad, bagkus ay ang proseso sa pagkuha ng “datos” na natanggap dahil ‘yan ang pinagbabatayan ng desisyon at impresyon.
◘◘◘
WALA pa ring natatanggap na ginhawa ang mga magsasaka at mangingisda.
Dapat apurahin ang implementasyon ng programa na direktang mabibiyaan ang mga manggagawa sa bukid, bundok at tubigan.
◘◘◘
NAGKAKASIWANG na ang usapang pangkapayapaan ng US at Russia.
Maging ang US at China ay nais na ring mag-usap.
Mainam naman!
◘◘◘
MAY panibagong banta ng kaguluhan.
Ito ay ang pagtatangka ng Turkey na salakayin ang teritoryo ng Syria.
Isang panibagong giyera ito.
◘◘◘
NAKAKARAMDAM tayo ng kapayapaan sa West Philippine Sea mula nang maupo si P-BBM.
Bukas siya sa lahat ng opsyon!








Comments