Tara ng Tunisia out sa opening rival ng Alas sa FIVB Worlds
- BULGAR

- Aug 23
- 1 min read
ni MC @Sports News | August 23, 2025

Photo: Wala sa team ng Tunisia si Wassim Ben Tara na unang makasasagupa ng Alas Men sa opening day ng FIVB Worlds. (CAVB Facebook)
Magbabakbakan ang African powerhouse Tunisia at Alas Pilipinas bilang opening-day rival sa FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 nang wala ang star player nila na si Wassim Ben Tara pero may ipinagmamalaki pa rin silang squad na handang gumawa ng ingay.
Wala sa official roster si Tara, ang team’s leading scorer noong 2020 Tokyo Olympics nang ianunsiyo ng Tunisia ngayong buwan dahil sa ibang commitments subalit nariyan ang veteran aces na sina Hamza Nagga at Elyes Karamosli para sa world meet sa Set. 12-28 sa Smart Araneta Coliseum at MOA Arena.
Malaking tulong sina Nagga, ang 6-foot-2 opposite spiker, at ang 6-foot-4 outside hitter na si Karamosli kay Tara nang magkampeon noong 2021 African Men’s Volleyball Championship at mapalawig ang record bilang most successful African nation na may 11 titles.
Ang bago nilang coach na si Camillo Placi ng Italy, veteran tactician na gumabay din sa Russia ay wagi ng bronze medal noong 2008 Beijing Olympics.
Maglalaban ang Philippines-Tunisia sa Pool A ng 7:30 p.m. sa Set. 12 sa MOA Arena, matapos ang makulay na opening ceremony tampok ang pagtatanghal ng K-pop group Boynextdoor at Karencitta.
Kasalukuyang No. 42, ang Tunisia ay pang-11 na best ranked country sa 32-team world joust sa Manila, ang pinakamalaking FIVB edition sa kasaysayan na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Asian Volleyball Confederation (AVC) president Ramon “Tats” Suzara. Nasa rank 16th ang Tunisia sa 2022 World.








Comments